JMD4you – para sa kabataan edad hanggang 27
Ang online konsultang jmd4you ay handog ng Youth Migration Services (JMD).
Maaari mong i-kontak sa pamamagitan ng Internet ang mga konsehero at magtanong. Ilang taon na rin silang nagbibigay ng payo. Maaari nilang sagutin ang iyong mga katanungan tungkol sa buhay o problema sa Alemanya. Halimbawa: Saan ako makakukuha ng lisensya sa pagmamaneho? Anong dapat kong gawin upang makapagtrabaho sa Alemanya? Kailangan ko ng abogado – anong kailangan kong gawin?
Ang mga konsultasyon ay ligtas, anonimo, multilinggwal at libre. Ang website para sa online konsultasyon ay kasalukuyang ma-aaccess sa wikang Aleman, Albanes, Arabic, Ingles, Ruso at Turko.
www.jmd4you.de
Online Konsultasyon sa Alemanya
Mbeon – para sa mga matatanda edad 28 taon at pataas
Ang mbeon ay isang online konsultasyong serbisyo ng Migration Counseling Service for Adult Immigrants (MBE) gamit ang messenger chat.
Kapag nakarating ka na sa Alemanya, maaari mo nang gamitin ang MBE sa pamamagitan ng libreng mbeon app sa iyong smartphone. Maaari ka ring makakuha ng payong kumpidensyal online sa mahigit 20 wika at magtanong sa kahit anong oras. Lahat ng konsehero sa mbeon ay sinanay at nag-aral magpayo.
Pumili muna ng konsehero mula sa listahan. Maaari mong i-filter ang seleksyon gamit ang wika at lokasyon. Makatatanggap ka ng sagot sa iyong katanungan sa pamamagitan ng pribadong chat sa loob ng 48 oras.
Gaya na lamang sa online konsultasyon, ikaw ay sasamahan at gagabayan ng iyong konsehero hanggang gaano katagal. Kung posible, maaari ka ring gumawa ng appointment kasama ang iyong konsehero sa aming advice center.
Lahat ng text messages, dokumento at voice notes ay ipinapadala gamit ang mbeon. Nakatago ang data sa isang server sa Alemanya.
www.mbeon.de