Paglahok
Bago ka pa lang sa Germany at gusto mong matutunan ang wikang German. Maaari kang kumuha ng kursong pang-integrasyon para dito. Kung hindi ka pa marunong magsalita ng wikang ito o kaunti pa lamang ang iyong alam, kailangan mong makilahok sa kursong pang-integrasyon (Teilnahmepflicht). Ito ay nangangahulugan na mayroon kang obligasyon na kunin ang kursong ito.
Ang immigration office (Ausländeramt) ang magbibigay sa iyo ng certificate of eligibility para sa partisipasyon (Teilnahmeberechtigung) at ng isang listahan ng mga institusyon na nagbibigay ng kursong pang-integrasyon (Kursträger) o ng mga language schools. Dito ay maaari kang makahanap ng isang language school na malapit sa inyo upang makapagparehistro.
Maaari mo ring mahanap ang lahat ng address ng mga institusyon na nagbibigay ng kursong pang-integrasyon (Kursträger) sa link na Mga Mahahalagang Address (Wichtige Adressen). Dito ay maaari mong hanapin ang mga institusyon na ito (Kursträger) na malapit sa iyo. Ang mga resulta na may mga impormasyon tulad ng address o numero ng telepono ay makikita mo sa isang card.
Pag-uuri o Assessment, Mga Oras at Pagsusulit
Pagkatapos mo magrehistro, kailangan mo mag Einstufungstest. Ang Einstufungstest ay makakatulong sa pagdedesisyon kung saang baitang ka nararapat. Ang isang oras sa Integrationskurs ay nagkakahalaga ng 2,20€. Kung hindi sapat ang iyong pera, hindi mo kailangan magbayad o makakatanggap ka ng Fahrtkosten. Nakapaloob sa Intergrationskurs and pag-aaral ng lenggwahe at isang Orientation para sa pamumuhay sa Germany.
Ang normal na kurso sa wika ay mayroong 700 aralin. Dito mo malaman ang wika sa araw-araw na mga paksa tulad ng pamimili, pamumuhay, mga bata, media, paglilibang, paaralan at trabaho o pagbisita sa doktor.
Pagkatapos ng kurso ay mayroong Abschlussprüfung (Deutschtest für Zuwanderer). Pagkatapos nito ay makakatanggap ka ng Zertifikat Integrationskurs. Ikaw ay magsasalita, magbabasa at susulat gamit ang German na may baitang na A2 o B1. Maraming kumpanya ang humihingi ng sertipiko na ito. Hinahanap din ito minsan ng mga opisina tulad ng Ausländeramt. Kung nais mong maging mamamayan ng Germany, ang sertipiko na ito ay makakatulong sa iyo.
Pagkatapos ng kurso sa lenggawahe ay mayroon ding Orientation. Ang Orientierungskurs ay tumatagal ng 100 oras. Dito mo matututunan ang mga importanteng kaalaman tungkol sa Germany tulad ng mga batas, kasaysayan, at kultura. Mayroon ding ibang paksa tulad ng paniniwala at ang magkakasamang pamumuhay sa lipunan. Pagkatapos ng kursong ito ay mayroong pagsusuri na tinatawag na „Leben in Deutschland“.
Hindi mo naipasa ang huling pagsusulit? maaari kang makakuha ng isa pang 300 oras ng mga aralin. At maaari mong gawin muli ang pagsusulit.
Mga Espesyal na Kurso
Para sa mga kabataan hanggang 27-taong gulang, mayroong espesyal na kursong pang-integrasyon na tinatawag na Jugendintegrationskurs o ang kursong pang-integrasyon para sa mga kabataan. Ito ay makatutulong kung nais mong kumuha ng mataas na antas ng pag-aaral (Ausbildung). Ang mga karagdagang impormasyon tungkol dito ay makukuha sa link na ito: Pederal na Ahensiya ng Pandarayuhan at Refugees(Bundesamt für Migration und Flüchtlinge).
May mga inaalok din na espesyal na kurso sa ibang mga lungsod tulad ng kurso para sa mga kababaihan, kurso sa pagbasa at pagsulat (Alphabetisierungskurse) o kurso sa pag-aaruga ng mga maliliit na bata. Magtanong ka sa language school tungkol dito.
Video International Sign
Mga Kadalasang Katanungan
Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.
Contact form