Colourful books stand in a row on a shelf. © Jamie Grill/Jamie Grill via Getty Images

A

die Abendschule, die Abendschulen (Panggabing Paaralan) 
Ito ay paaralan para sa mga may-edad o nakatatanda na hindi nakatapos ng sekundaryang edukasyon. Ang klase ay kadalasan sa gabi o tuwing Sabado. Mayroong panggabing nakabababang secondary school (Abendhauptschule), panggabing panggitnang secondary school (Abendrealschule), panggabing mas nakatataas na secondary school (Abendgymnasium) at ba’t ibang uri ng panggabing technical colleges (Abend-Fachschulen). Sa pamamagitan nito ay maaaring makakuha ang isang tao ng mas mataas na pagtatapos o kaya ng mas mataas na kwalipikasyon para sa napiling propesyon. Walang bayad ang pag-aaral sa mga pampublikong panggabing paaralan. 

die Ablöse (Kabayaran para sa mga Kasangkapan ng Lilipitang Bahay o Apartment) 
Ikaw ba ay lilipat sa isang apartment kung saan may naiwan pang mga kasangkapan ang naunang nangupahan? Kadalasan ay kailangan mo itong bayaran. Ito ang Ablöse o kabayaran na kadalasan ay para sa malalaki at mabibigat na kasangkapan gaya ng kabinet o mga kasangkapan sa kusina tulad ng gas range o refrigerator. 

die Abschlussprüfung, die Abschlussprüfungen (Final Exam) 
Ito ay ang pagsusulit pagkatapos ng isang kurso o pag-aaral. Sa pagtatapos ng kursong pang-integrasyon ay mayroong “Pagsusulit sa Wikang Aleman para sa mga Imigrante" (Deutschtest für Zuwanderer). Ang mga kalahok sa kursong pang-integrasyon ay kailangang kumuha ng final exam o pagsusulit. Ang mga karagdagang impormasyon ay maaaring makita sa link na ito: BAMF. 

der Allgemeinarzt/die Allgemeinärztin, die Allgemeinärzte (Doktor/Doktora ng Pangkalahatang Medisina)
Ito ay isang doktor para sa lahat ng uri ng karamdaman. Kapag may dinaramdam, nararapat na kumunsulta muna sa isang doktor ng pangkalahatang medisina. Kapag ang naturingang doktor ay hindi na makatulong, siya ay magrerekomenda ng „Facharzt“ o espesyalista. 

der Alphabetisierungskurs, die Alphabetisierungskurse (Kurso sa Pagbasa at Pagsulat) 
Ito ay kurso para sa mga taong hindi marunong magbasa o magsulat. Mayroon ding mga espesyal na kursong pang-integrasyon na nagtuturo ng pagbasa at pagsulta. Ang kursong pang-integrasyon na ito o Integrationskurs ay tinatawag ding Alphabetisierungskurs at kadalasang tumatatagal ng 960 oras. 

die Anerkennung ausländischer Abschlüsse (Pagkilala sa mga Banyagang Kwalipikasyon) 
Ang mga may kaukulang kwalipikasyon para sa isang propesyon lamang ang may pahintulot na magtrabaho sa Germany gaya halimbawa ng doktor o guro. Sinusuring mabuti sa proseso ng pagkilala ang edukasyon at kwalipikasyon ng mga imigrante. Kung ang kwalipikasyon at natapos na edukasyon ay kinilalang katumbas ng sa Germany, maaari nang magtrabaho at gamitin ito sa tatahaking propesyon. Ang mga impormasyon ay maaaring makita sa link na ito: BAMF at sa anerkennung-in-deutschland.de. 

die Anschlussgebühr, die Anschlussgebühren (Bayad para sa Koneksyon ng Telepono)
Ito ay ang isang beses na pagbabayad sa pagsisimula ng kontrata. Pagkatapos mabayaran ay maaari nang magamit ang telepono. 

die Arbeitsagentur, die Arbeitsagenturen (Ahensiya ng Trabaho) 
Dito ay matutulungan kang makahanap ng angkop na trabaho at makatatanggap ng mga alok na trabaho o job advertisements mula sa lahat ng sektor. Minsan ay maaari ring makatanggap ng tulong pinansyal gaya halimbawa ng pantustos para sa gastusin ng paghahanda ng mga dokumento para sa application (Bewerbungsunterlagen). Bawat lungsod ay may nakatalagang ahensiya ng trabaho (Arbeitsagentur). Ang address ng ahensiya sa inyong lungsod ay matatagpuan sa www.arbeitsagentur.de. 

der Arbeitgeber, die Arbeitgeber (Employer) 
Ang isang halimbawa nito ay isang kumpanya. Ito ay employer para sa mga empleyado. Ang estado ay maaari din na maging employer gaya halimbawa ng mga guro ng mga paaralang pampubliko o ng kindergarten. Kung ikaw naman ay may sariling kumpanya at doon nagtatrabaho, masasabing wala kang employer. 

der Arbeitnehmer, die Arbeitnehmer (Empleyado) 
Kung ikaw ay empleyado at nagtatrabaho sa isang kumpanya, ikaw ay isang Arbeitnehmer (empleyadong lalaki) o Arbeitnehmerin (empleyadong babae). 

die Arbeitnehmervertretung, die Arbeitnehmervertretungen (Kinatawan ng mga Empleyado)
Ang kinatawan ng mga empleyado ay tumatayo para sa interes ng huling nabanggit sa isang kumpanya. Kung may problema sa employer, maaaring matulungan ng nasabing kinatawan. Sila ang namamagitan sa mga empleyado (Arbeitnehmer) at mga employer (Arbeitgeber). Mayroong kinatawan ng mga empleyado ng kumpanya (Betriebsrat) at kinatawan ng mga empleyado ng gobyerno (Personalrat). Ang bawat malalaking kumpanya ay mayroong Betriebsrat. Sa labas naman ng kumpanya ay mayroon ding unyon o tinatawag na Gewerkschaften. 

die Arbeitserlaubnis (Work Permit o Permiso para sa Pagtatrabaho) 
Ito ay tinatawag din na Arbeitsgenehmigung. Gusto mo bang magtrabaho sa Germany ngunit hindi ka mula sa mga bansa na miyembro ng European Union (Europäischen Union (EU))? Kailangan mo ng work permit o permiso sa pagtatrabaho. Ang mga mamamayan ng bansang Romania at Bulgaria ay nangailangan din ng work permit hanggang katapusan ng 2013. Ang mga karagdagang impormasyon ay maaaring makita o malaman sa link na ito:  Arbeitsagentur. 

die Arbeitsgenehmigung, die Arbeitsgenehmigungen (Pahintulot sa Pagtatrabaho)
Ito ay tinatawag din na Arbeitserlaubnis. Gusto mo bang magtrabaho sa Germany ngunit hindi ka mula sa mga bansa na miyembro ng European Union (Europäischen Union (EU)? Kailangan mo ng work permit o permiso sa pagtatrabaho. Ang mga mamamayan ng bansang Romania at Bulgaria ay ngangailangan din ng work permit hanggang katapusan ng 2013. Ang mga karagdagang impormasyon ay maaaring makita o malaman sa link na ito: Arbeitsagentur. 

die Arbeitslosenversicherung, die Arbeitslosenversicherungen (Insurance sa Pagkawalan ng Trabaho) 
Kapag ang isang empleyado (Arbeitnehmer) ay nawalan ng trabaho, babayaran ng insurance (Versicherung) ang isang parte ng kanyang suweldo (Gehalt/Lohn) sa loob ng isang taon. Lahat ng empleyado o namamasukan ay automatik na may insurance sa pagkawalan ng trabaho (Arbeitslosenversicherung). Ang isang bahagi nito ay binabayaran ng employer. 

die Arbeitsunfähigkeit (Kawalan ng Kapasidad Magtrabaho)
Ito ay kung ang isang tao ay hindi na makapagtrabaho dahil sa isang karamdaman o aksidente. 

das Arbeitsverbot, die Arbeitsverbote
Arbeitsverbot heißt, dass man für eine bestimmte Zeit nicht arbeiten darf. Dies steht im Aufenthaltspapier (z.B. der Aufenthaltsgestattung oder Duldung). 

der Arbeitsvertrag, die Arbeitsverträge (Kontrata sa Trabaho) 
Para sa isang permanenteng posisyon ay makakatanggap ka ng kontrata sa trabaho (Arbeitsvertrag). Dito nakasulat lahat ng alituntunin at kasunduan para sa iyong trabaho. Halimbawa: Ano ang mga tungkulin mo sa trabaho? Magkano ang matatanggap mong suweldo o sahod (Gehalt/Lohn)? Ilang oras kang magtatrabaho sa isang linggo? Ilang araw ang iyong bakasyon? Ang kontrata ay pipirmahan mo at ng iyong employer (Arbeitgeber). 

das Attest, die Atteste (Sertipikong Medical o Medical Certificate)
May sakit ka ba at hindi makapasok sa trabaho? Kadalasan ay kailangan mo ng medical certificate para ibigay sa iyong employer. Ito ay isang pirasong papel mula sa iyong doktor. Dito nakasaad na ikaw ay may sakit at hindi makapasok sa trabaho. Minsan ay kinakailangan din ng mga mag-aaral ng sertipikong (Attest) ito para ibigay sa paaralan. 

der Aufenthaltstitel, die Aufenthaltstitel (Residence Permit) 
Isang halimbawa ng nakalagay sa residence permit ay kung gaano katagal kang maaaring manatili sa Germany o kung ikaw ay maaaring makapagtrabaho sa Germany. Kung ikaw ay mayroong residence permit (Aufenthaltstitel), legal ang status mo sa bansa. Matatanggap mo ito sa pamamagitan halimbawa ng visa o isang residence permit. 

der Aufenthaltsstatus (Resident Status)
Ang resident status ang nagsasaad halimbawa kung gaano ka katagal maaaring manatili sa Germany o kung maaari kang magtrabaho sa Germany. Kung ikaw ay may resident status ay maituturing kang legal sa bansa. 

das Ausländeramt, die Ausländerämter (Immigration Office) 
Ito ay tinatawag din na Ausländerbehörde. Kailangan mong magpunta sa opisinang ito kung ikaw ay bago pa lang sa Germany. Kailangan mo ding magpunta dito kung ang visa mo ay malapit na mag-expire o mapaso at kailangan mong baguhin ang status nito. Sa munisipyo ng iyong lungsod malalaman mo kung nasaan ang immigration office. 

die Ausländerbehörde, die Ausländerbehörden (Alien office) 
Ito ay tinatawag din na Ausländeramt. Kailangan mong magpunta sa opisinang ito kung ikaw ay bago pa lang sa Germany. Kailangan mo ding magpunta dito kung ang visa mo ay malapit na mag-expire o mapaso at kailangan mong baguhin ang status nito. Sa munisipyo ng iyong lungsod malalaman mo kung nasaan ang immigration office. 

das Auswärtige Amt (Foreign Office)
Ito ay tinatawag din na Außenministerium. Ang German Foreign Office ay bahagi ng gobyerno ng Germany. Ang katungkulan nito ay nakatuon sa politikang panlabas at politika sa Europa. Ang sangay na ito ay mga pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang estado at internasyonal na mga organisasyon. Sa Foreign Office rin makakakuha ng impormasyon sa pagpasok at paglalakbay sa Germany. 

der Ausweis, die Ausweise (ID o Identity Card)
Ang dokumentong ito ang magpapatunay ng iyong pagkakakilanlan. Isang halimbawa ng ID ay ang personal na ID (der Personalausweis) o ang pasaporte (der Pass). Ang driver’s license ay isa ring halimbawa ng isang ID o Ausweis.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

B

der Bankeinzug (Direct Debit) 
Makapapamili ka sa pamamagitan ng direct debit (Bankeinzug): ang nagbebenta ay maaaring kunin o i-debit ang halaga o ang bayad sa binili mong produkto mula sa iyong account sa bangko. Ang ibig sabihin nito ay pumapayag ka na makuha ang pera sa iyong account. Kung ito ay mula sa iyong account sa bangko sa Germany, wala kang babayarang karagdagang halaga o fees. Sa pamamagitan ng direct debit, maaari din na mabayaran ang mga binili mula sa internet, mga insurance (Versicherungen) at mga buwan- buwang binabayaran tulad ng kuryente, gas, telepono at internet. Dito ay pinapahintulutan mo ang insurance o ang isang kumpanya na makuha o ma-ibook ang pera o kabayaran mula sa iyong account. 

der Benutzername, die Benutzernamen (User Name)
Ito ang pangalan na ginagamit para sa pagrehistro sa isang website o sa computer. 

das Bargeld (Cash)
Ang mga barya at papel na pera ay tinuturing na cash o tinatawag na Bargeld. Maaari kang magbayad ng cash sa lahat ng lugar sa Germany. 

die Beglaubigung, beglaubigen (Pagpapatunay)
Dito sinusuri ng isang opisyal na awtoridad ang mga dokumento at pinagtitibay ang pagiging totoo ng mga ito sa pamamagitan ng pagtatak ng selyo dito. 

die Beratung (Konsultasyon)
Sa pamamagitan ng konsultasyon ay makatatanggap ka ng payo o tulong mula sa mga eksperto. Ang mga eksaktong impormasyon ay maaaring makuha sa seksyong „Tulong” („Hilfe finden“). 

der Bereitschaftsdienst, die Bereitschaftsdienste, der ärztliche Bereitschaftsdienst (On-call Medical Service, On-call Service na Doktor)
Nangangailangan ka ba ng doktor sa gabi, madaling araw o sa weekend? Maaari mong tawagan ang on-call service na doktor. Ang numero ng telepono ng on-call service sa buong Germany ay 116117. Sa panahon ng emergency o pangangailangan, huwag tawagan ang on-call service kundi ang rescue-service na may number ng telepono na 112 para sa buong Germany. 

die Berufsausbildung (Vocational Training)
Sa training na ito ay mapapag-aralan ang isang propesyon. Ang vocational training ay may dalawang bahagi: ang pagpasok sa vocational school o Berufsschule at ang pagtatrabaho sa isang kumpanya. Ang vocational training ay kadalasang tumatagal ng 2 hanggang 3.5 na taon, depende sa uri ng propesyon o uri ng pagtatapos. Kadalasang mas maikli ang panahon ng pagsasanay (die Ausbildungszeit) kung mayroong Abitur o pagtatapos sa mas nakatataas na secondary school. 

das Berufsinformationszentrum (BIZ) (Vocational Information Center)
Ang mga empleyado dito ay nagbibigay ng payo tungkol sa mga katanungan sa tema ng propesyon. Ang BIZ na malapit sa iyo ay matatagpuan sa internet site ng ahensiya ng trabaho (Arbeitsagentur), sa kanang bahagi sa itaas ng „Listahan ng mga Address“ („Adressenliste“). 

die Berufsoberschule, die Berufsoberschulen (Nakatataas na Vocational School)
Dito makakakuha ng mas mataas na pagtatapos. Maaaring pumasok sa nakatataas na vocational school (Berufsoberschule) kapag nakapagtapos ng vocational training (eine Berufsausbildung). 

die Berufsschule, die Berufsschulen (Vocational School)
Ang vocational school ay bahagi ng isang vocationa training (Berufsausbildung). Dito matututunan ang mga teknikal na nilalaman ng kukuning propesyon, pati na rin ang nilalaman o ibang paksa tungkol sa ibang sektor. Mayroong 8 hanggang 12 na oras ng klase kada isang linggo. Sa ibang araw naman ay kinakailangang pumasok at magtrabaho sa isang kumpanya. Maaari ding kunin ang vocational training sa pamamagitan ng tinatawag na Blockunterricht: Dito ay maaaring pumasok sa klase ng ilang magkakasunod na linggo at pagkatapos ay kailangan namang pumasok at magtrabaho sa isang kumpanya sa mga susunod na linggo. Para naman sa ilang mga propesyon ay maaaring pumasok ng isang taon sa isang vocational school at pagkatapos nito ay maghahanap at mag-aapply ng apprenticeship sa isang kumpanya. Walang bayad ang pag-aaral sa isang vocational school. Tulad ng isang normal na paaralan, ang mga materyal lamang ang dapat bayaran. 

die Bewerbung, die Bewerbungen (Pag-a-apply ng Trabaho o Job Application)
Nais mo bang makahanap ng posisyon sa isang kumpanya? Kailangan mong gumawa ng application. Ito ay kadalasang binubuo ng isang application letter (das Anschreiben), isang resumé na may litrato at iyong mga sertipikasyon (Zeugnisse). Ang pangalawang bahagi ng application ay ang interbyu o pakikipanayam (das Vorstellungsgespräch). Ito ay isang imbitasyon ng employer kung nagustuhan nito ang application mo. Ang mga karagdagang impormasyon ay makikita sa link na ito: Arbeitsagentur. 

die Bewerbungsunterlagen (Mga Dokumento para sa Pag-a-apply ng Trabaho) 
Kabilang sa mga dokumentong ito ay ang mga sumusunod: ang application letter na naka-address sa kumpanya at kung saan nakasulat kung bakit nais mong mag-apply sa posisyong iyon at kung bakit ikaw ang karapat-dapat sa nasabing posisyon. Kasama rin dito ang iyong litrato, ang iyong resumé kung saan nakatala ang iyong mga natapos o naging mga trabaho at ang iyong mga sertipikasyon (Zeugnisse). 

die Botschaft, die Botschaften (Embahada)
Ang embahada ay maituturing din na isang konsulado. Ito ang kinatawan ng isang bansa sa ibang bansa. Ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa embahada ng Germany ay matatagpuan sa www.diplo.de. 

die Broschüre, die Broschüren (Brochure)
Ito ay ang mga nakalathalang impormasyon o materyal na maaaring kunin o dalhin. 

das Bundesland, die Bundesländer (Estado)
16 na estado (pederal na estado) ang bumubuo sa Pederal na Republika ng Germany. Ang isang pederal na estado ay isang malaking lugar tulad ng Bavaria, Hesse o ng North Rhine-Westphalia. May mga lungsod din na maituturing na estado tulad ng Berlin o ng Hamburg. Ang bawat pederal na estado ay may sariling pamahalaan (Pamahalaan ng Estado o Landesregierung) na may parlamento (Landtag). Ang isang Pamahalaan ng Estado (Landesregierung) ay maaaring magdesisyon nang malaya tungkol sa ibang bagay o sektor gaya ng edukasyon at kultura. Ang mga pinaka-mahahalagang desisyon naman ay ginagawa ng kabuuang pederal na gobyerno ng Germany. 

der Bundestag (Parlamento ng Germany)
Ang Bundestag ay ang parlamento ng Germany. Anu-ano bang mga partido (Parteien) ang bumubuo sa parlamento? Ang mga mamamayan ang nagdedesisyon para dito sa pamamagitan ng kanilang pagboto. 

brutto (Kabuuang Suweldo)
Ang kabuuang suweldo ay ang kalahatang sahod (Lohn) o ang kalahatang suweldo (Gehalt). Dito ikinakaltas ang bayad sa tax at mga insurance (Versicherungen). Ang matitira ay ang net na suweldo o ang tinatawag na Netto. 

das Bußgeld, die Bußgelder (Multa)
Ikaw ba ay naglakad o tumawid sa pulang ilaw trapiko? Namisikleta ka ba sa sidewalk o nagmaneho nang nakainom ng alak? Kung nakita ito ng mga pulis ay kinakailangan mong magbayad ng multa. Minsan ito ay nagkakahalaga lamang ng 5€ hanggang 10€. Ngunit minsan ay mas mahal ang multa. Kung minsan naman ay kinakailangang i-surrender ang lisensya sa pagmamaneho (Führerschein). Ito ay nangangahulugan na hindi ka muna maaaring magmaneho sa loob ng ilang panahon.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

C

D

der Dauerauftrag, die Daueraufträge (Standing Order)
Ang standing order (ein Dauerauftrag) ay isang espesyal na uri ng pagtransfer ng pera (Überweisung). Kadalasang binabayaran ang renta sa pamamagitan ng standing order. Dito nakalagay ang regular na petsa ng pagta-transfer ng pera (Überweisung) gaya halimbawa ng ika-unang araw ng kada buwan. Itatala din dito ang numero ng account ng nagpapaupa. Pagkatapos nito, automatik na i-tatransfer ng bangko buwan-buwan ang bayad sa upa sa account ng nagpapaupa sa naturing na petsa.  

die Deutsche Sprachprüfung für den Hochschulzugang/TestDaF (German Language Test para sa Pagpasok sa Unibersidad – DSH/TestDaF)
Para makapag-aral sa isang unibersidad o technical college (Fachhochschule) ay kinakailangan ang mataas na antas ng kaalaman sa salitang German upang makakuha ng isa sa mga pagsusulit para dito (DSH/TestDaF). Kadalasan ay maaari mo nang kunin ang pagsusulit na ito sa iyong bansa, bago pa man dumating sa Germany. Ang mga karagdagang impormasyon ay makikita sa www.dsh-germany.com, www.dsh-termin.de at www.testdaf.de. 

der Deutschtest für Zuwanderer (German Test para sa mga Immigrante)
Ito ang final exam o pagtatapos na pagsusulit sa kursong pang-integrasyon na kukunin sa katapusan ng nasabing kurso. Kung maipasa, ang antas ng kaaalaman sa salitang German ay mapapatunayan na nasa A2 o B1. 

das duale System (Sistemang Dual)
Ang vocational training (Berufausbildung) sa Germany ay mayroong sistemang dual (das duale System). Ito ay may 2 bahagi: ang praktikal at ang pang-teorya. Ang praktikal na bahagi ay direktang matututunang mula sa isang kumpanya kung saan ang mag-aaral ay magtatrabaho bilang apprentice at makatatanggap ng mababang suweldo (Gehalt) o mababang sahod (Lohn). Ang vocational school naman ang responsible sa pang-teoryang bahagi ng pagsasanay.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

E

die EC-Karte, die EC-Karten (EC-Card)
Makatatanggap ng EC-card kung ang isang tao ay may account sa isang bangko o isang savings bank (Sparkasse). Ang EC ay tumatayo sa salitang „electronic cash“. Gamit ang EC-Card ay maaari ding magbayad sa elektronikong pamamaraan sa mga supermarket, department store at espesyal na mga tindahan. Ang maliliit na tindahan naman na tulad ng (bakery shops, tindahan ng karne at mga mobile na tindahan) ay tumatanggap lamang ng cash (Bargeld). Sa pamamagitan ng EC-card ay makakakuha ka rin ng pera sa mga ATM-machines. 

die Eheberatung, die Eheberatungen (Marriage Counselling)
Kung may problema sa relasyong mag-asawa ay maaring pumunta sa isang opisina ng marriage o family counselling. Dito ay makatatanggap ng tulong mula sa isang tagapayo na kadalasang nakatapos at lisensyadong nag-aral ng sikolohiya na siyang makikipag-usap sa mag-asawa. Pagsusumikapan ng lahat na malaman ang dahilan ng problema upang ito ay malutasan. 

die Eheurkunde, die Eheurkunden (Marriage Certificate)
Ikaw ba ay nagpakasal sa Germany? Makatatanggap ka ng isang dokumento mula sa registry office o Standesamt. Ito ay ang marriage certificate o Eheurkunde. Ito din ay tinatawag na Heiratsurkunde. 

die Einbürgerung, einbürgern (Naturalisasyon, Pagiging Naturalisadong Mamamayan)
Ito ang pagkakaroon ng isang tao ng nasyonalidad na German o ang pagiging naturalisadong mamamayan ng Germany. 

der Einstufungstest, die Einstufungstests (Entrance Test)
Ito ay isang pagsusulit bago simulan ang isang kurso upang malaman ng papasukang paaralan ang antas ng kaalaman ng mag-aaral. Ito ay kinukuha din bago simulan ang kursong pang-integrasyon. Susuriin ng language school (Sprachschule) ang kakayahan o kaalaman sa salitang German. Ang kurso ay sisimulan nang naaayon sa nakumpirmang antas ng kaalaman. Minsan ay kailangan mo nang kunin ang pagsusulit kasabay ng pag-rerehistro sa kursong pang-integrasyon. 

das Einwohnermeldeamt, die Einwohnermeldeämter (Registration Office para sa Pagpapatala ng Paninirahan)
Ikaw ba ay lilipat sa ibang lungsod? Kinakailangan mong magpunta sa registration office (Einwohnermeldeamt) upang magparehistro. Kakailanganin mo ang iyong balidong pasaporte (Pass) o iba pang dokumento na magpapatunay ng iyong pagkakakilanlan. 

die elektronische Lohnsteuerkarte, die elektronischen Lohnsteuerkarten (Electronic Income Tax Card)
Sa pagsisimula ng isang trabaho ay kinakailangan mong ipaalam sa iyong employer (Arbeitgeber) ang iyong tax identification number. Ito ay makukuha sa tax office o Finanzamt. Ito ay matuturing din na electronic income tax card. Sa pamamagitan nito ay makakalkula ng iyong employer (Arbeitgeber) ang buwis na iyong babayaran. Kakaltasin niya ito mula sa iyong suweldo o sahod (Gehalt/Lohn) at ibabayad sa tax office. Noon, ang tax card ay isang card na papel. Ngayon, lahat ay electronic na at ginagamitan ng computer. 

der Elternabend, die Elternabende (Evening Parent-Teacher Conference o Gabing Pagpupulong ng mga Magulang at Guro)
Ang gabing pagpupulong na ito ay ginaganap ng ilang beses sa isang taon. Dito ay makukuha mo ang mga importanteng impormasyon mula sa paaralan at pag-uusapan ang mga nakaplanong excursions at field trips. Makikilala mo din dito ang ibang mga magulang. 

das Elterngespräch, die Elterngespräche (Pagpupulong ng Guro at Magulang)
Ito ay isang appointment o pagpupulong ng magulang sa isang guro sa paaralan. Dito ay direktang ipinapaalam ng guro ang mga impormasyong tungkol sa anak, sa kanyang kakayahan at pag-uugali sa paaralan. 

die Elternvertretung, die Elternvertretungen (Kinatawan ng mga Magulang)
Ito ay binubuo din ng mga magulang na nakikipagtulungan sa nursery school (Kindergarten) o paaralan. Ang mga magulang din ang bumoboto sa mga kinatawan na ito. Ang kinatawan ay tumutulong halimbawa sa mga proyekto ng paaralan. Minsan ay tumutuong din sila sa pagpapaayos ng mga classrooms o sa pagpatatayo ng isang hardin sa paaralan. 

die Elternzeit (Pagliban sa Pagtatrabaho ng Magulang o Parental Leave)
Ang mga magulang na may permanenteng trabaho ay maaaring kumuha ng parental leave o pagliban sa pagtatrabaho (die Elternzeit). Hanggang ang anak ay umabot sa 3-taong gulang ay maaaring manatili ang ina o ama sa bahay at mag-alaga nito. Maaari ding parehong magulang ang kumuha ng bakasyong ito. Pagkaraan ng 3 taon ay maaari na ring bumalik sa pagtatrabaho. Sa unang 12 na buwan ay makatatanggap ang mga magulang ng allowance (Elterngeld). Ito ay nagkakahalaga ng 67% ng tinatanggap na net na sahod (ang suweldo na natatanggap sa account). Pagkatapos nito ay wala nang matatanggap na anumang allowance. 

der Erzieher/die Erzieherin, die Erzieher (Tagapagturo at Tagapag-alagang Lalaki o Babae
Ito ay isang propesyon na natapos sa pamamagitan ng pagkuha ng training o pag-aaral sa isang technical college (Fachschule) o vocational technical college (Berufsfachschule). Sa training na ito ay may mga subjects na kinukuha gaya ng sikolohiya, pagtuturo, kalusugan, sports at kung anu-ano pa. Ang mga tagapagturo at tagapangalaga ay nagtatrabaho sa isang nursery school (Kindergarten), sa isang bahay ampunan (Kinderheim- isang lugar para sa mga bata na walang mga magulang) o sa mga Child and Youth Offices (Jugendamt). 

der Ethikunterricht (Klase sa Etika)
Sa maraming mga estado (Bundesländer) ay maaaring pumili ang isang mag-aaral sa pagitan ng klase sa relihiyon (Religionsunterricht) o klase sa etika (Ethikunterricht). Sa Berlin, lahat ng mag-aaral ay kinakailangang kumuha ng klase sa etika (Ethikunterricht). Sa pagkuha ng klaseng ito ay hindi kailangan ang pagkakaroon ng isang relihiyon. Dito matututunan ang iba’t ibang relihiyon at pilosopiya. 

die EU, die Europäische Union (EU, Ang Unyong Europeo o European Union)
Ang EU ay isang samahang pang-ekonomiya at pulitikal sa pagitan ng mga bansa sa Europa. Sa kasalukuyan ay binubuo ito ng 27 na bansa. Ang mga bansang ito ay nagkakaisa sa mga prinsipyo tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at demokrasya. Ang mga ito ay mayroon ding isang merkado para sa kanilang kalakal at manggagawa o empleyado. Ang mga mamamayan ng isang bansa na nabibilang sa EU ay maaaring magtrabaho at manirahan sa mga bansang miyembro ng EU. 17 bansa sa EU ay mayroong iisang uri ng pera, ang Euro (€). 

der Europäische Wirtschaftsraum (Sakop ng Pang-ekonomikong Europeo o European Economic Area)
Ito ay ang lahat ng bansa na kasali sa European Union (Europäische Union (EU)) pati na Iceland, Liechtenstein at Norway.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

F

das Fachabitur (Pagtatapos sa Teknikal-Bokasyunal na Edukasyon)
Ito ay isang pagtatapos sa isang technical-vocational college o isang technical academy, o isang nakatataas na vocational school o kaya mula sa isang distance learning sa isang vocational college. Ang pagtatapos na ito ay may 2 uri ng diploma: ang advanced technical college certificate (Fachhochschule) at ang subject-related technical college certificate (Fachgebundene Hochschulereife). Sa pagkakaroon ng ganitong pagtatapos at diploma ay maaaring makapasok sa ilang partikular na unibersidad o technical college. 

die Fachoberschule, die Fachoberschulen (Mataas na Paaralan para sa Teknikal at Bokasyunal na Pag-aaral o Secondary Technical-Vocational School)
Pagkatapos ng secondary school ay maaari nang mag-aral sa teknikal na mataas na paaralan. Ang paaralang ito ay nakatuon sa pagbibigay ng teknikal at bokasyunal na edukasyon para sa iba’t ibang uri ng propesyon. Halimbawa ay mayroong teknikal na mataas na paaralan para sa mga propesyong teknikal at panlipunan. Sa mga teknikal na mataas na paaralan kinukuha ang karagdagang 2 taon, ang ika-11 at ika-12 na klase. Dito ay may praktikal at pang-teorya na mga subjects at mahabang pagsasanay o practicum, halimbawa sa isang kumpanya. Pagkatapos ng teknikal na mataas na paaralan ay maaari nang makapag-aral sa isang unibersidad o technical college (Fachhochschule). 

die Fachhochschule, die Fachhochschulen (Technical College)
Ito ay katulad din ng isang unibersidad ngunit mas nakatuon sa praktikal na bahagi ng pag-aaral. Mayroong technical college para sa pagiging inhinyero, sa pag-aaral ng ekonomiya, social education at propesyon sa sining. Sa pag-aaral sa technical college ay kadalasang kinakailangan ang high school diploma o diploma ng pagtatapos ng teknikal o bokasyunal na edukasyon (Fachabitur). 

die Fahrscheinkontrolle, die Fahrscheinkontrollen (Ticket Check)
Isang lalaki o isang babae sa loob ng bus, sa pangkalsadang tren, sa U-bahn o sa S-bahn o sa tren ang magtatanong sa iyo kung ikaw ay may ticket. Kung wala, kinakailangan mong magbayad ng multa (Bußgeld). 

der Fahrzeugschein, die Fahrzeugscheine (Rehistro ng Sasakyan)
Ito ay tinatawag ding Zulassungsbescheinigung. Ito ay isang dokumento na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa iyong sasakyan. Halimbawa: ang tatak (Fiat, VW,...), ang numero ng plaka, ang taong nagmamay-ari ng sasakyan (Fahrzeughalter). Sa dokumentong ito nakatala ang lahat ng impormasyong teknikal ng sasakyan. Ang rehistro ng sasakyan ay makukuha sa opisina ng pagre-rehistro ng sasakyan (der Kfz-Zulassungsstelle). Dito ipinaparehistro ng isang tao ang kanyang sasakyan. Sa pagmamaneho ng sasakyan ay kailangang lagi itong dala ngunit hindi ito dapat iwanan sa loob ng sasakyan. Kapag ang sasakyan ay nanakaw, kakailanganin ang rehistro para sa pagkuha ng police report. 

das Familienstammbuch, die Familienstammbücher (Record Book ng Pamilya)
Kung nagpakasal ay makatatanggap ang mag-asawa ng Familienstammbuch. Sa record book na ito nakatala lahat ng impormasyon tungkol sa pamilya, halimbawa: Sino ang iyong mga magulang? Saan ka nagmula? Ano ang iyong apelyido sa pagkadalaga? Sino ang mga magulang ng iyong partner? Saan nagmula ang iyong partner? Mayroon ka bang mga anak?... 

die Filiale, die Filialen (Sangay)
Ito ay mga sangay na opisina ng mga malalaking bangko, savings banks (Sparkassen) o ng mga negosyo sa maraming lugar. Ang karamihan ng mga bangko at savings banks ay may tinuturing na sentral na opisina at ilang mga sangay. 

die Flatrate, die Flatrates (Flat Rate)
Ito ay ang nakapakong binabayaran o fixed fee na hindi naapektuhan ng tagal o haba ng paggamit ng telepono o ng internet. 

die Förderschule, die Förderschulen (Espesyal na Mga Paaralan o Special Schools) 
Dito nag-aaral ang mga bata na hindi madaling matuto o mabagal matuto. 

der Führerschein, die Führerscheine (Lisensya sa Pagmamaneho)
Ikaw ba ay nagmamaneho ng sasakyan, trak o ng motorsiklo? Kailangan mo ng lisensya para dito. Sa dokumentong ito nakasaad na ikaw ay may pahintulot na magmaneho ng sasakyan, trak o ng motorsiklo.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

G

die Ganztagsschule, die Ganztagsschulen (Buong-araw na Paaralan)
Sa ganitong paaralan ay nananatili ang mga mag-aaral ng buong araw, kadalasan hanggang alas 4:00 o ala 5:00 ng hapon. Dito ay makatatanggap sila ng tanghalian at tulong sa paggawa ng homework. Ang mga mag-aaral ay maaaring mag-aral ng mga espesyal na kurso, gaya ng pag-aaral ng instrumento, sports o ng teatro. Walang bayad ang mga pampublikong buong-araw na paaralan (Ganztagsschule). Kailangan namang magbayad ng tuition fee sa mga pribadong buong- araw na paaralan. 

die Garantie, die Garantien (Garantiya)
Ikaw ba ay may biniling kasangkapan o appliance (halimbawa, telebisyon) na nasira? Kadalasan ay may garantiya ito at maaaring ibalik sa pinagbilhang tindahan. Ang produkto ay papalitan ng tindahan o ng nagmanupaktura nito. Ang garantiya ay may bisa lamang hanggang sa nakasaad na petsa (kadalasan ay 1 taon, minsan naman ay ilang taon). 

die Geburtsurkunde, die Geburtsurkunden (Birth Certificate)
Ito ay isang dokumento na may mga impormasyon tungol sa kapanganakan ng isang tao: pangalan, kasarian (lalaki o babae), petsa at ang lugar ng kapanganakan, pangalan ng mga magulang. Ang registry office (Standesamt) ay ang opisyal na nag-iisyu ng mga birth certificates. 

das Gehalt, die Gehälter (Suweldo)
Ito ang halaga o kabayaran na natatanggap buwan-buwan ng isang empleyadong may permanenteng posisyon. Ang halagang ito ay matatanggap din kung ikaw ay maysakit o nasa bakasyon. Brutto ang tawag sa kabuuang sweldo. Ang pagbabayad ng mga buwis at insurance (Versicherungen) ay dito din ibinabawas. Ang matitirang halaga ay ang tinatawag na Netto. 

die Gesamtschule, die Gesamtschulen (Komprehensibong Sekondaryang Paaralan
Ito ay ang pinagsamang nakabababang sekondaryang paaralan (Hauptschule), panggitnang sekondaryang paaralan (Realschule) at nakatataas na sekondaryang paaralan (Gymnasium). Ang mga mag-aaral ay pumapasok sa mga kursong may iba’t ibang antas ng kahirapan. Kapag ang isang mag-aaral ay hindi gaanong magaling sa matematika, maaari siyang pumasok sa mas madaling kurso. Kapag ang isang mag-aaral naman ay magaling sa Ingles, maaari siyang pumasok sa mas mahirap na kurso. Sa isang komprehensibong paaralan, mas madaling lumipat mula sa isang paaralan papunta sa isa pang paaralan. Hindi lahat ng lugar ay may komprehensibong paaralan. 

die Gewährleistung, die Gewährleistungen (Garantiya)
Ito ang karapatan na maibalik ang isang bagay na nabili sa nagtitinda (halimbawa, department store o Kaufhaus). Sa garantiyang ito ay makatatanggap ng bagong kapalit na produkto o makukuha ang perang ibinayad dito. Maaari ding makipag-usap sa pinagbilhan na gawing mababa ang presyo ng nabiling produkto. Mas makabubuti kung nasa iyo pa rin ang resibo ng pinagbilhan, ngunit hindi naman ito masyadong kinakailangan. 

der Gewerbeschein, die Gewerbescheine (Lisensya sa Pagnenegosyo)
Nais mo bang magtayo ng sariling kumpanya o magbukas ng negosyo, restaurant o café? Kakailanganin mo ang lisensya sa pagnenegosyo (Gewerbeschein). Ito ay makukuha mula sa opisinang nag-iisyu ng business permit, ang Gewerbeamt. Sa pagkuha nito ay kinakailangan mong dalhin ang mga sumusunod na dokumento: ang iyong pasaporte (Pass), ang iyong residence permit (Aufenthaltstitel) at kung minsan ang police clearance (Polizeiliches Führungszeugnis). Ang lisensya sa pagnenegosyo (Gewerbeschein) ay nagkakahalaga mula 20€ hanggang 60 €. 

das Gewerbeamt, die Gewerbeämter (Opisinang Nag-iisyu ng Business Permit)
Nais mo bang magtayo ng sariling kumpanya o magbukas ng negosyo, restaurant o café? Kakailanganin mo ang lisensya sa negosyo (Gewerbeschein). Ito ay makukuha mula sa opisinang nag-iisyu ng business permit (Gewerbeamt). Den bekommen Sie beim Gewerbeamt. 

die Gewerkschaft, die Gewerkschaften (Unyon)
Ito ay samahan o mga samahan na kumakatawan sa interes ng mga manggagawa o empleyado (Arbeitnehmern). 

das Girokonto, die Girokonten (Current Account)
Ito ay importanteng bank account para sa pang araw-araw na gamit. Sa account na ito makukuha, halimbawa, ang suweldo o sahod (Gehalt), ang pension o ang allowance para sa bata. Karamihan sa mga bayarin ay maaari ding mabayaran mula sa account na ito. 

die Grundgebühr, die Grundgebühren (Basic Charge)
Ito ay ang mga bayarin na binabayaran kada buwan.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

H

die Hausordnung, die Hausordnungen (Regulasyon sa Bahay)
Ang regulasyong ito (Hausordnung) ang nag-aayos sa pakikitungo ng bawa’t isang naninirahan sa isang bahay. Isang halimbawa na patakaran: isang beses kada linggo ay kailangang linisin ng nakatalagang naninirahan ang hagdan. Isa pang maaaring halimbawa na patakaran: ang mga kabataan ay maaaring maglaro sa damuhan sa harap ng bahay ngunit hindi sa garahe. Hindi lahat ng regulasyon ay magkakatulad. Ang regulasyon ay kalakip ng kontrata sa pangungupahan. 

der Hauptschulabschluss, die Hauptabschlüsse (Pagtatapos sa Nakabababang Paaralan)
Ang Hauptschulabschluss ay makakamit sa pagtatapos sa nakabababang sekondaryang paaraan na umaabot sa ika-9 na baitang. Ilan sa mga estado ay may tinatawag na qualifying na pagsusulit (Quali) sa nakabababang sekondaryang paaralan sa pagtatapos ng ika-9 na klase. Hindi kinakailangang kumuha nito, ngunit kung mayroon nito ay mas madaling makakakuha ng posisyon sa pagiging apprentice sa isang kumpanya. 

die Hebamme, die Hebammen (Midwife)
Ang midwife ay hindi isang doktor. Siya ay nag-aral at kumuha ng training para sa paghahanda sa mga nagdadalangtao sa panganganak at sa panahong pagkatapos nito. Tumutulong siya sa lahat ng bagay tungkol sa bata at nagbibigay kasagutan sa lahat ng mga katanungan tungkol dito. 

die Heiratsurkunde, die Heiratsurkunden (Marriage Certificate)
Kung ikaw ay nagpakasal, makatatangap ka ng isang dokumento mula sa registry office (Standesamt). Ito ay ang tinatawag na Heiratsurkunde. Ang isa pang tawag dito ay Eheurkunde. 

der Hort (Day Care Center)
Sa isang day care center (Hort) ay maaaring maglagi ang mga bata pagkatapos ng klase sa paaralan kung ang mga magulang ay nagtatrabaho. Kung minsan ay maari din sa umaga bago pumasok sa paaralan. Sa day care center ay nakakatanggap ang mga bata ng tanghalian at natutulungan sila sa paggawa ng homework. Kadalasan ay maaaring manatili ang mga bata sa center mula alas 4:00 hanggang alas 5:00 ng hapon.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

I

der Immobilienmakler, die Immobilienmakler (Real Estate Agent)
Naghahanap ka ba ng panibagong unit o apartment na mauupahan? Matutulungan ka ng mga real estate agents o brokers. Kailangan mo ding silang bayaran para sa kanilang serbisyo. 

die Impfung, die Impfungen (Bakuna)
Maraming sakit ang nagmumula sa mga bakteria o mga virus. Sa pamamagitan ng bakuna ay mabibigyan ka ng doktor ng katumbas na bakteria o virus ngunit mas mahinang uri. Dahil sa bakuna ay nagkakaroon ang katawan ng antibodies na nagbibigay proteksyon laban sa mga bakteria at virus. Ang mga nabakunahan ay hindi na madadapuan ng sakit. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga importanteng bakuna laban sa: tetano, tigdas, german measles, beke, polyo at ubong-dalahit.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

J

das Jugendamt, die Jugendämter (Child and Youth Welfare Office)
Ang child and youth welfare office (Jugendamt) ay tumutulong sa mga bata, kabataan at kanilang mga magulang. Isang halimbawa ng pagtulong na ito ay ang pagpapayong sikolohikal kung may problema ang pamilya. Kung minsan naman ay lubhang malaki na ang mga problema at hindi na kaya ng anak na manatili sa sariling pamilya. Ang child and youth welfare office ay hahanap ng ibang pamilya na maaaring pansamantalang kumupkop sa bata. Ang mga child and youth welfare offices ay kadalasang may mga nursery school o day care center. Bawat lungsod ay mayroong ganitong tanggapan. 

das Job-Center (Job Center)
Dito makakahanap ng tulong sa paghahanap ng angkop na trabaho. Makakatanggap dito ng mga alok na trabaho mula sa lahat ng sektor. Minsan ay maari ding makatanggap ng pinansyal na tulong gaya halimbawa ng tulong para sa pag-aayos ng mga dokumento para sa job application (Bewerbungsunterlagen). Bawat lungsod ay may nakatalagang job center. Ang address ng job center sa inyong lugar ay matatagpuan sa www.arbeitsagentur.de.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

K

die Kaltmiete, die Kaltmieten (Basic na Upa)
Ito ang basic na bayad sa renta o upa na hindi kasama ang mga karagdagang bayarin o utility bills (Nebenkosten). 

der Kaufvertrag, die Kaufverträge (Kontrata sa Pagbebenta)
Ikaw ay bumili ng mamahaling bagay tulad ng sasakyan. Kakailanganin mo ng kasulatan na pipirmahan mo at ng nagbebenta. Ang kasulatang ito ay ang kontrata sa pagbebenta o ang tinatawag na Kaufvertrag. Sa kontratang ito nakatala ang mga impormasyon tulad ng presyo, petsa ng pagbabayad at kung anu-ano pa. 

die Kaution (Deposito)
Ang mangungupahan ay magbabayad ng deposito sa nagpapaupa kung nais niyang lumipat sa bagong pinapaupahang tirahan. Maaaring gamitin ng nagpapaupa ang pera, halimbawa, kung ang nangungupahan ay hindi makabayad ng upa. Sa pag alis sa inuupahan, ibinabalik ng nagpapaupa ang deposito. Ang deposito ay kadalasang katumbas ng 3 buwang basic na upa (Kaltmiete). 

die Kinderbetreuung, die Kinderbetreuungen (Child Care)
Ikaw ba ay pumapasok sa trabaho at nangangailangan ng mapag-iiwanan ng iyong anak? Mayroong iba’t ibang paraan na mapagpipilian para sa child care: ang batang 6 na taong gulang pababa ay maaaring dalhin sa isang nursery (Kindertagesstätte (Kita)) o sa isang pre-school (Kindergarten). Para sa maliliit na bata hanggang 3 taong gulang, mayroong daycare center (Kinderkrippe) o kaya mga pribadong tagapag-alagang babae o lalaki. Maaari mong dalhin ang iyong anak sa bahay ng tagapag-alaga sa umaga at sunduin sa hapon o sa gabi. 

der Kindergarten, die Kindergärten (Nursery School)
Sa nursery school ay kasama ng mga bata ang iba pang mga bata sa isang grupo na may edad na 3 hanggang 6. Dito ay natututo ang mga maliliit na bata sa mga nakatatandang kapwa nila bata at sa mga tagapagturo o tagapag-alagang babae o lalaki (Erzieherinnen/Erzieher). Karamihan sa mga nursery schools ay mayroong palaruan sa labas. Ang nursery school na nagbabantay sa mga bata ng buong araw ay tinatawag na Kita. 

die Kinderkrippe, die Kinderkrippen (Infant and Daycare Center)
Ito ay isang pasilidad para sa maliliit na bata na may edad ilang buwan hanggang 3 taon. 

die Kindertagesstätte (Kita), die Kindertagesstätten (Kitas) (Full-Day Kindergarten)
Ito ay katulad din ng nursery school (Kindergarten). Dito ay maaaring iwanan ang mga bata ng buong araw, kadalasan mula alas 4:00 o alas 5:00 ng hapon. 

die Krankenversicherung, die Krankenversicherungen (Health Insurance)
Kailangan ang insurance (Versicherung) na ito sa Germany. Ang health insurance ay ang kadalasang sumasagot sa bayarin sa doktor, sa hospital at sa ibang mga gamot. Sa pagbili ng gamot ay mayroon ding maliit na bahagi na binabayaran ang pasyente. Kung maliit ang suweldo o sahod, maaaring magpa-insure sa insurance ng asawa. Ang mga bata ay automatik na naka-insure mula sa insurance ng mga magulang. 

die Krankmeldung, die Krankmeldungen (Medical Certificate)
Ikaw ba ay maysakit at hindi makapagtrabaho? Kailangan mo ng medical certificate para ibigay sa iyong employer. Ito ay isang piraso ng papel mula sa iyong doktor. Dito nakasaad na ikaw ay maysakit at hindi makakapasok sa trabaho. Ang mga mag-aaral ay kinakailangan din minsang magbigay ng medical certificate sa paaralan. 

der Kredit, die Kredite (Utang)
May gusto ka bang bilhin ngunit hindi sapat ang iyong pera? Maaari kang, halimbawa, mangutang sa bangko. Ang bangko ay magbibigay sa iyo ng halaga sa loob na isang partikular na panahon. Pagkatapos ay kinakailangan mong bayaran ang halagang ito na may karagdagang tubo (Zinsen). 

die Kreditkarte, die Kreditkarten (Credit Card)
Sa pamamagitan nito makakapagbayad ka ng walang ginagamit na cash (Bargeld). Ang halaga ay hindi kaagad na ibabawas mula sa iyong current account (Girokonto). Ito ay kadalasang katulad ng isang maliit na utang. Hindi lahat ng tindahan ay tumatanggap ng credit card. Ngunit sa pagbili mula sa internet, kadalasang kinakailangan mong magbayad gamit ang credit card, pati na rin sa tren at sa mga airlines. 

die Kündigung, die Kündigungen (Pagbitiw o Pagwakas sa Kontrata)
Nais mo bang itigil ang isang kontrata? Kailangan mo itong ipaalam sa pamamagitan ng pagsulat ng pagwawakas o pagbibitiw para dito. 

Ayaw mo na bang magtrabaho sa isang kumpanya? Kinakailangan mong sumulat ng pagbibitiw sa trabaho. Kadalasang kinakailangan mong magbigay ng 3-buwang abiso bago ka umalis. Kung ang employer mo ang gustong magpaalis sa iyo, kinakailangan rin niyang magbigay ng 3-buwang abiso sa iyo. Mayroon ding tinatawag na fristlose Kündigungen o biglaang pagpapaalis. Dito ay kailangang umalis kaagad ang empleyado sa kumpanya ng walang abiso. Ito ay ginagawa lamang kung ang empleyado ay may ginawang bagay na hindi tama kagaya ng pagtanggi na gampanan ang kanyang tungkulin sa trabaho. 

die Kündigungsfrist, die Kündigungsfristen (Wohnung) (Termination Period (Tirahan))
Ang nangungupahan ay kailangang sumulat sa nagpapaupa bago siya umalis sa inuupahan. Kadalasan itong ginagawa 3 buwan bago umalis. Kadalasan maaari lang itong gawin sa umpisa ng buwan. Pati ang nagpapaupa ay may termination period rin. Ito ay 3 buwan o mahigit pa. 

der Kursträger, die Kursträger (Tagapagbigay ng Kurso)
Ito ay mga language schools na nagbibigay ng kursong pang-integrasyon. Ang mga impormasyon ay maaari mong makuha sa language school o internet. Hanapin ang pinakamalapit na language school sa inyo sa link na ito: BAMF. 

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

L

der Landtag, die Landtage (Parlamento ng Estado)
Ang Pederal na Republika ng Germany ay nahahati sa 16 na estado (Bundesländer). Ang bawat estado ay may sariling parlamento na tinatawag na parlamento ng estado o Landtag. 

die Landtagswahl, die Landtagswahlen (Eleksyon para sa Parlamento ng Estado)
Tuwing 4 o 5 taon ay binoboto ng mga mamamayan ang mga mambabatas para sa parlamento ng estado (Landtag) ng isang estado (Bundesland). 

der Lebenslauf, die Lebensläufe (Resumé)
Ang resumé ay isa sa mga dokumentong kailangan (der Bewerbungsunterlagen) kung ikaw ay naghahanap ng trabaho. Bahagi ng resumé ang pangalan, propesyon, pinag-aralan o mga naunang naging trabaho o ng mga espesyal na kaalaman o kasanayan (computer? banyagang wika?...) Isang halimbawa ng resumé ay makikita sa link na ito: Arbeitsagentur. 

der Lohn, die Löhne (Sahod)
Ito ang halaga o kabayaran na natatanggap buwan-buwan ng isang empleyadong may permanenteng posisyon. Ang halagang ito ay matatanggap din kung ikaw ay maysakit o nasa bakasyon. Brutto ang tawag sa kabuuang sweldong ito. Ang pagbabayad ng mga buwis at insurance (Versicherungen) ay dito din ibinabawas. Ang matitirang halaga ay ang tinatawag na Netto.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

M

der Makler, die Makler (Broker)
Naghahanap ka ba ng panibagong unit o apartment na mauupahan? Matutulungan ka ng mga real estate agents o brokers. Kailangan mo din silang bayaran para sa kanilang serbisyo. 

die Meldebescheinigung, die Meldebescheinigungen (Registration Certificate)
Ito ang dokumento kung saan nakasaad ang iyong address. Makukuha mo ang registration certificate mula sa registration office ng iyong lungsod (Einwohnermeldeamt) o sa inyong munisipyo. Kakailanganin mo para dito ang iyong pasaporte (Pass). Ang registration certificate ay kadalasang nagkakahalaga ng 5 €. 

der Mietspiegel (Index ng Upa)
Sa index ng upa nakatala ang karaniwang presyo ng upa para sa mga pabahay sa isang lungsod. 

der Mietvertrag, die Mietverträge (Kontrata sa Upa)
Ikaw ba ay nangungupahan sa isang apartment? Makatatanggap ka ng isang dokumento, ang kontrata sa upa. Kailangan mo at ng nagpapaupa na pumirma sa kontratang ito na nagsasaad na ikaw ang bagong nangungupahan. 

der Minijob/450-Euro-Jobs, die Minijobs/450-Euro-Jobs (Minijob/450-Euro-Job)
Sa isang minijob o 450-Euro-Job ay hindi kinakailangang magbayad ng tax dahil ang kinikita ay hindi hihigit sa 450 euros. Awtomatik na makatatanggap ng health insurance (Krankenversicherung) at ng pension (Rentenversicherung) na babayaran ng employer (Arbeitgeber). Ngunit walang matatangap na insurance para sa kawalan ng trabaho. Maraming minijobs sa iba’t ibang sektor. Halimbawa na rito ay ang pagiging kasambahay, clerk o driver. Makakahanap ng minijob sa pamamagitan ng Job Center (Job Center), sa dyaryo at sa internet. 

der Mutterschutz (Maternity Leave)
Ito ay mga patakaran para sa proteksyon ng mga nagdadalangtaong ina na may permanenteng posisyon. Ang mga pinaka-importanteng patakaran ay ang mga sumusunod: ang isang babae ay hindi dapat magtrabaho sa loob ng ilang panahon bago at pagkatapos ng panganganak. Sa Germany, ito ay 6 na linggo bago manganak at hindi bababa sa 8 linggo matapos ang panganganak. Sa mga panahong ito ay patuloy pa rin na makatatanggap ang empleyadong babae ng suweldo o sahod (ihr Gehalt/ihren Lohn). Mula sa simula ng pagbubuntis hanggang 4 na buwan ng pagkapanganak ay hindi siya maaaring paalisin sa trabaho ng kanyang employer (Arbeitgeber). May mga propesyon na kung saan ang mga babae ay hindi pinapayagan na magtrabaho sa kabuuan ng kanyang pagbubuntis. Kadalasan, ito ay ang mga trabahong may kinalaman sa mga kemikal.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

N

die Nebenkosten (Mga Karagdagang Gastos)
Ang mga gastusing ito ay idinaragdag sa bayad sa basic na upa (Kaltmiete). Halimbawa dito ay ang bayad sa tubig, sa ilaw sa hagdanan at sa bodega o basement, sa pagkolekta ng basura, sa antena o cable para sa telebisyon. Minsan ay kasama din dito ang bayad sa heater at kuryente, ngunit kadalasan ito ay hiwalay na binabayaran. 

netto (Net Salary)
Net salary o Netto ang tawag sa suweldo/sahod (Gehalt/der Lohn) matapos kaltasin ang tax at mga insurance (Versicherungen). 

der Notdienst, die Notdienste (Serbisyong Pang-emergency)
Ito ay binubuo ng mga doktor at parmasyutiko na nagtatrabaho tuwing sabado o linggo at madaling araw. Kung kinakailangan mo ng mabilisang tulong, ang mga doktor at ang parmasyutiko na ito ang makatutulong sa iyo.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

O

P

das Parkhaus, die Parkhäuser (Car Park o Paradahan ng Sasakyan)
Maraming car parks o paradahan ng sasakyan sa maraming mga lungsod dahil hindi sapat ang mga paradahan sa kalsada. Ang sasakyan ay maaaring iparada sa iba’t ibang lebel ng mga paradahang ito. Ang pagparada dito ay may bayad. Kadalasan, ang pagbabayad ay ginagawa sa paglabas na ng sasakyan. Kung ang pagparada ng sasakyan ay sandali lamang, kaunti lang ang iyong babayaran. Kung ang sasakyan ay matagal na nakaparada, mas maIaki ang iyong babayaran. 

die Partei, die Parteien (Partidong Pulitikal)
Ang partidong pulitikal ay isang grupo ng mga mamamayan na may iisang adhikain at layunin. Hangarin ng isang partido na makapagdesisyon o makaimpluwensiya sa bansa. 

der Pass, die Pässe (Pasaporte)
Ang dokumentong ito ang nagkukumpirma ng pagkakakilanlan ng isang tao. Sa pasaporte nakatala ang impormasyon tungkol sa katauhan (pangalan, edad,...) at nasyonalidad ng isang tao. Kailangan ang pasaporte sa sariling bansa, halimbawa, kung pupunta sa isang sangay ng gobyerno. Kailangan din ang pasaporte kung bibiyahe sa ibang bansa. Dito ay may mga karagdagang impormasyon na nakatala, halimbawa, tungkol sa visa at residence permit. 

das Passwort, die Passwörter (Ang Password)
Ito ay ang sekretong access code para sa pagrehistro sa isang internet page o sa isang computer. Kadalasan, ginagamit ito kasama ng user name. Pinoprotektahan nito ang mga impormasyon tungkol sa katauhan ng isang tao. 

das polizeiliche Führungszeugnis (Police Clearance)
Ito ay isang dokumento mula sa isang sangay ng gobyerno. Dito nakatala kung ang isang tao ay mayroong police record. Karamihan ng mga employer (Arbeitgeber) ay humihingi ng police clearance ng empleyado. 

das Praktikum, die Praktika (Practicum o Pagsasanay sa Trabaho) 
Kung ikaw ay may interes sa isang propesyon, maaari kang kumuha ng practicum o pagsasanay sa trabaho, halimbawa, sa isang kumpanya o isang klinik. Sa pagsasanay na ito, maliban sa nakakatulong ka sa kumpanya ay natutunan mo pa ang propesyon na iyong nais pasukin. Ang praktika o pagsasanay sa trabaho ay kadalasang walang suweldo at ang tagal nito ay magkakaiba, depende sa kumpanya at propesyon. 

die Probezeit (Panahon ng Probasyon sa Trabaho) 
Ang pagsisimula ng isang bagong trabaho ay kadalasang may nakalakip na panahon ng probasyon. Sa panahong ito, maaari mong kanselahin at ng iyong employer (Arbeitgeber) ang iyong trabaho. Sa panahong ding ito, oobserbahan ka nang mabuti ng iyong employer upang makapagdesisyon kung ikaw ay patuloy na mananatili sa kumpanya pagkatapos ng iyong probasyon. Ikaw naman ay maaari ding magdesisyon kung nais mo pang ipagpatuloy ang iyong trabaho. Ang panahon ng probasyon ay maaaring umabot sa 6 na buwan. 

die Provision, die Provisionen (Komisyon)
Ikaw ba ay nangungupahan o nakabili ng bahay sa tulong ng isang real estate agent o broker (Immobilienmakler/Makler)? Ang serbisyong ito ng broker (Makler) ay kinakailangan mong bayaran. Ito ang komisyon o tinatawag na Provision.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

Q

R

die Rechnung, die Rechnungen (Invoice)
Ikaw ba ay may biniling bagay ngunit hindi ito agad nabayaran? Maari kang makatanggap ng invoice, halimbawa, para sa iyong mga binili sa internet. Bilang kabayaran ay magta-transfer ka ng pera mula sa iyong account patungo sa account ng kumpanyang iyong pinagbilhan. Ito ay kadalasang walang karagdagang bayad. 

der Religionsunterricht (Klase sa Relihiyon) 
Ito ay isang klase o subject sa paaralan. Kadalasan, itinuturo dito ang tungkol sa protestante o katoliko-romanong relihiyon. Ang ilang mga estado (Bundesländer) ay mayroon ding mga paaralan na nagtuturo ng ibang mga relihiyon katulad ng paniniwalang Orthodox, Hudaismo pati na rin ng Budismo. Maraming paaralan naman ang nagtuturo ng relihiyong Islam gamit ang mga wikang Turko at Arabo. Hindi kinakailangan ng isang mag-aaral na pumasok sa klaseng ito. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito na siya ay may libreng oras na - sa maramingng estado ay kinakailangan ng mag-aaral na pumasok sa halip sa klase ng etika (Ethikunterricht) kung saan itinuturo ang pilosopiya. 

die Rentenversicherung, die Rentenversicherungen (Mga Pension Insurance) 
Sa Germany, kadalasang nagtatrabaho ang mga tao hanggang edad na 67. Pagkatapos nito ay nagreretiro na sila. Hanggang sa pagreretiro ay nagbabayad sila ng bahagi ng kanilang suweldo (Gehalt) sa pension insurance buwan-buwan. Sa panahon ng pagreretiro ay makakatanggap ang isang tao ng buwang-buwang sustento mula sa kanyang pension insurance na bahagi ng kanyang dating suweldo (Gehalt). Lahat ng nagtatrabaho o empleyado (Arbeitnehmer) ay automatik na mayroong pension insurance. Pinaghahatian nito at ng employer ang bayad dito. Kung hindi employado (Arbeitnehmer), maaari ding kumuha ng pribadong pension insurance. Karamihan ng mga mamamayan ay mayroong pension insurance mula sa gobyerno (Staat) at pribadong pension insurance. 

das Rezept, die Rezepte (Ang Reseta)
Maraming mga gamot ang hindi na kinakailangang bilhin sa botika ng may reseta. Para naman sa ibang mga gamot ay kinakailangan ang resetang ito, isang papel o dokumento na galing sa doktor.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

S

das Schulgeld (Tuition o School Fee)
Ito ang ibinabayad para sa pagpasok sa isang pribadong paaralan. Kadalasan ay malaki ang ibinabayad na tuition fee para sa pag-aaral sa mga pribadong paaralan. 

die Schwangerschaftsberatung, die Schwangerschaftsberatungen (Counselling o Pagpapayo sa Pagbubuntis)
Ito ay isang tanggapan na nagbibigay ng payo at tumutugon sa lahat ng mga katanungan tungkol sa pagbubuntis. Ang mga tanggapang ito ay matatagpuan sa maraming lugar. Kadalasan ay maaari kang bigyan ng iyong gynecologist ng payo tungkol dito o ng impormasyon kung saan matatagpuan ang mga tanggapan na ito. 

die selbständige Arbeit (Pansariling Kalakalan o Self-Employment)
Dito ay wala kang employer (Arbeitgeber). Ikaw
mismo ang amo. 

das Sonderangebot, die Sonderangebote (Special Offer)

Dito ay ibinebenta ng mga tindahan o establisiemento ang kanilang mga produkto sa mababang halaga sa loob ng isang maikling panahon. Ang mga produktong ito ay tinatawag na special offer o Sondernangebot. Kadalasang makikita kaagad sa isang tindahan ang mga special offer na produkto na kalimitang nasa bukana o pasukan ng tindahan. 

die Sozialversicherung, die Sozialversicherungen (Social Insurance)
Ito ay binubuo ng health insurance (Krankenversicherung), pension insurance (Rentenversicherung), accident insurance (Unfallversicherung) at nursing care insurance (Pflegeversicherung). 

die Sozialwohnung, die Sozialwohnungen (Pampublikong Pabahay)
Hindi mahal ang upa o bayad sa mga pampublikong pabahay na ito kung ikukumpara sa regular na mga paupahan. Maaaring umupa dito ang isang taong hindi malaki ang kinikita. Kinakailangan lang ang pagpapatunay o sertipikasyon para dito (Wohnberechtigungsschein). Ito ay kadalasang makukuha sa munisipyo o sa tanggapan ng pampublikong pabahay. 

das Sparkonto, die Sparkonten (Savings Account)
Ito ay ang account sa bangko na ginagamit para sa mahabang panahon ng pag-iipon ng pera. Hindi ito maaaring gamitin sa pagta-transfer ng pera tulad halimbawa ng pagbabayad sa upa na mula sa current account o Girokonto. Mas mataas ang nakukuhang tubo o Zinsen dito kaysa sa current account. Ang pera dito ay kadalasang nakatabi nang mas matagal kaysa sa current account. 

die Sparkasse, die Sparkassen (Savings Bank)
Ito ay katulad din ng isang bangko ngunit hindi pribado kundi bahagi ng isang komunidad o ng isang lungsod. 

die Spielgruppe, die Spielgruppen (Playgroup)
Dito ay nagkikita-kita ang mga bata para maglaro. Ang ina o ama ay kadalasang kasama. Minsan ay pinamumunuan din ito ng isang nakatatanda na nakikipaglaro din sa mga bata. 

die Sprachförderung (Language Support)
Sa pamamagitan ng espesyal na mga laro, kwento at mga kanta, mas madaling natutunan ng mga bata ang salitang German. Sa mga nursery school o day care centers ay mayroon ding language support para sa mga batang mula sa ibang bansa. 

der Sprachtest, die Sprachtests (Test sa Pagsasalita ng German o Language Test)
Ang mga bata sa nursery school (Kindergarten) o day care center (Kita) ay kadalasang pinapakuha ng test na ito. Dito malalaman kung gaano na kahusay ang isang bata na magsalita ng wikang German. 

die staatliche Schule, die staatlichen Schulen (Pampublikong Paaralan)
Karamihan sa mga paaralan sa Germany ay nasasakupan o pinapatakbo sa ilalim ng pamamahala ng gobyerno. Walang bayad ang pag-aaral dito. 

das Standesamt, die Standesämter (Registry Office)
Nais mo bang magpakasal? Ikaw ba ay manganganak? Nais mo bang makipag-hiwalay? Kinakailangan mong pumunta sa registry office ng iyong lungsod para dito. 

die Studiengebühren (Semester Fee)
Ito ang halaga na binabayaran kada semester sa pag-aaral sa unibersidad. 

das Studium (Mataas na Antas ng Pag-aaral)
Kinakailangan ang mataas na antas ng pag-aaral para sa ilang propesyon tulad ng pagiging inhinyero o guro. Ito ay maaaring kunin sa isang unibersidad o sa isang technical college.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

T

das Tagesgeldkonto, die Tagesgeldkonten (Instant Access Savings Account) 
Ang account na ito ay hindi para sa pang araw-araw na gamit tulad ng current account (Girokonto). Kung ikaw ay may sobrang pera, maaari mo itong itabi sa account na ito. Ang mga bangko ay nagbibigay ng mas mataas na tubo (Zinsen) sa mga instant savings account kaysa sa current account o savings account (Sparkonto). Maari mo ding agad na makuha ang pera mo sa account na ito. 

die Tagesmutter, die Tagesmütter (Tagabantay ng Bata o Nanny) 
Ito ang nag-aalaga o nagbabantay sa mga bata sa sarili niyang bahay. Mayroon ding lalaki na tagapag-alaga. Kadalasan ay maraming bata ang inaaalagan ng isang nanny. Ang mga tagapag-alagang ito ay kinakailangang may espesyal na kaalaman o pinag-aralan sa pakikitungo sa mga bata. Ang kanilang serbisyo ay kailangan ding bayaran. 

die Teilnahmeberechtigung für den Integrationskurs (Certificate of Eligibility para sa Partisipasyon sa Kursong Pang-integrasyon)
Ito ay isang dokumento na kailangan sa pagpaparehistro sa kursong pang-integrasyon. Makukuha ito kadalasan mula sa immigration office ng iyong lungsod. Ang mga mamamayan ng EU (European Union) ay maaaring kumuha nito ngunit kinakailangan nilang mag-apply sa BAMF para dito. 

die Teilzeitarbeit (Part-time na Trabaho)
Mayroon kang permanenteng trabaho ngunit hindi 8 oras sa isang araw kundi, halimbawa, ay 4 na oras lang. Ito ang kadalasang ginagawa ng mga kababaihan na may maliliit na anak. Sila ay maaaring magtrabaho ng part-time sa maraming mga kumpanya. 

der Tariflohn, die Tariflöhne (Standard na Pasahod)
Karamihan sa mga trabaho ay binabayaran ang mga manggagawa o empleyado nang naaayon sa standard na pasahod. Ang halaga ng pasahod na ito ay sinasang-ayunan ng employer (Arbeitgeber) at ng mga unyon (Gewerkschaften). Ang sahod o suweldong ito ay hindi dapat mas mababa sa standard na pasahod.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

U

das Übergabeprotokoll, die Übergabeprotokolle (Handover Report)
Nakahanap ka na ng mauupahan at nais mo nang lumipat dito. Sa iyong lilipatan ay may nakita kang sira. Kasama ang nagpapaupa ay kinakailangan mong itala ang mga ito sa handover report na pipirmahan mo at ng nagpapaupa. 

die Überweisung, die Überweisungen (Bank) (Money Transfer)
Ang bangko ang nagpapadala ng pera mula sa isang account patungo sa ibang account. Isang halimbawa nito ay ang bayad sa upa. Ang pera ay kailangan direktang mailipat mula sa iyong account patungo sa account ng nagpapaupa. Kailangan mo itong sabihin sa bangko at ipapadala naman ng bangko ang halaga sa account ng iyong nagpapaupa.

die Überweisung, die Überweisungen (Arzt) (Medical Referal)
Ikaw ba ay may sakit at nangangailangan ng isang espesyalista? Bibigyan ka ng iyong doktor ng pangkalahatang medisina (Allgemeinarzt) ng isang medical referral. Ito ay isang papel o dokumento ng referral na dadalhin mo pagpunta sa isang espesyalista. 

der Umtausch (Palitan)
Ikaw ba ay may nabiling bagay at nais mo itong ibalik o palitan? Sa maraming tindahan ay maaari mong ibalik ang produkto at makuha ang iyong ibinayad. Kung minsan naman ay hindi mo na makukuha ang iyong ibinayad ngunit makakakuha ka ng ibang bagay na katumbas ng halaga nito. Ang mga produkto na special offer (Sonderangebote) ay kadalasang hindi na maaaring ibalik. 

die Unterrichtsstunde, die Unterrichtsstunden (Oras ng Klase)
Ang isang klase sa kursong pang-integrasyon ay umaabot sa 45 minuto.

der Urlaub (Bakasyon)
Kada taon ay mayroon kang partikular na bilang ng araw ng iyong bakasyon. Patuloy ka pa ring makatatanggap ng suweldo o sahod habang nasa bakasyon. Kailangan mong kausapin ang nakakataas sa iyo sa trabaho o amo kung nais mong magbakasyon. Sa Germany ay kadalasang nagtatrabaho ng 5 araw sa isang linggo. Kung gusto mong magbakasyon ng isang linggo (mula lunes hanggang linggo) ay kailangan mo ng 5 araw na bakasyon para dito.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

V

die Verbraucherzentrale, die Verbraucherzentralen (Sentro o Tanggapan para sa mga Mamimili)
Ito ay isang tanggapan na mapagkukunan ng mga impormasyon ng mga mamimili. Ang mamimili o Verbraucher ay isang tao na bumibili ng isang bagay. Ang sentrong ito ay nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang mga produkto at tumutulong din sa mga problemang legal. Halimbawa, kung bumili ka ng isang bagay na sira pala at ayaw palitan ng tindahan, matutulungan ka ng tanggapang ito. 

der Verein, die Vereine (Asosasyon)
Sa isang asosasyon ay nagkikita-kita ang mga taong may magkakatulad na interes at adhikain. Halimbawa, sa isang asosasyon ng football ay naglalaro ang mga tao ng sport na ito, sa isang asosasyong pang-musika ay sama-sama naman tumutugtog ng musika ang mga tao. 

die Verfassung, die Verfassungen (Saligang Batas)
Ang saligang batas ay isang kasulatan o dokumento. Nilalaman nito ang pinaka-importanteng mga prinsipyo at batas para sa isang bansa tulad ng: Paano binubuo ang isang bansa? Anu-ano ang mga karapatan at obligasyon ng bawat mamamayan sa bansa? Ang saligang batas ng Germany ay tinatawag na Grundgesetz. 

die Versicherung, die Versicherungen (Insurance)
Ikaw ay nagbabayad sa insurance buwan-buwan o taon-taon para sa isang di inaasahang sitwasyon. Dahil dito, ikaw ay naka-insure para sa nasabing sitwasyon. Halimbawa nito ay ang pagkakasakit: buwan-buwan kang nagbabayad para sa iyong health insurance (Krankenversicherung). Kung sakaling magkakasakit ka at mangailangan ng doktor, hindi mo kailangang bayaran ang pagpapadoktor dahil ang iyong health insurance (Krankenversicherung) ang magbabayad nito. 

das Visum, die Visa (Visa)
Sa pamamagitan ng isang visa ay maaari kang makapapasok sa ibang bansa. Maaari kang mag-apply at makakuha ng visa sa embahada (Botschaft) ng bansang nais puntahan. 

die Volkshochschule, die Volkshochschulen (Adult Education Center)
Sa isang adult education center ay maaaring kumuha ang mga nakatatanda at kabataan mula 16 taong gulang ng iba’t ibang kurso. Hindi masyadong mahal ang bayad sa mga kursong ito. Maaari kang mag-aral ng ibang wika, pati na ang German, pagkuha ng litrato, paggawa ng alahas, pagsayaw, pagpinta, at marami pang iba. Mayroon ding mga kurso para sa propesyon, halimbawa nito ay paggamit ng computer. Ang mga nakatatanda ay maaari ring makakuha ng pagtatapos ng pag-aaral dito. Halimbawa nito ay ang pagtatapos sa nakabababang sekondaryang paaralan (Hauptschulabschluss). Ang mga kurso ay kadalasang isang gabi sa isang linggo o sa weekend. 

der/die Vorgesetzte, die Vorgesetzten (Nakatataas na Amo)
Ang nakatataas sa iyo ay ang direkta mong amo. Ang nakatatas sa iyo ang may pananagutan sa iyo at sa iyong trabaho, sa oras ng trabaho. Siya ang nagsasabi kung anong trabaho ang dapat ibigay sa iyo at kung paano mo ito gagawin. Kadalasan, ang nakatataas sa iyo ay mayroon ding nakatataas na amo. 

die Vorsorgeuntersuchung, die Vorsorgeuntersuchungen (Medical Check-Up)
May 10 karaniwang pagsusuring medikal para sa mga bata na ginagawa ng doktor ng mga bata o pediatrician. Ito ay walang bayad. Ang unang medical check-up ay ginagawa matapos ang kapanganakan, ang huli naman ay bago mag-umpisa ang bata sa pag-aaral. 

das Vorstellungsgespräch, die Vorstellungsgespräche (Job Interview o Pakikipanayam sa Trabaho)
Ikaw ba ay nag-apply sa isang trabaho? Nagustuhan ba ng employer (Arbeitgeber) ang application mo? Gusto kang makilala ng employer at Ikaw ay iimbitahan sa isang interview o pakikinayam. Ito ang Vorstellungsgespräch. Ang kabuuang impormasyon tungkol dito ay maaaring makuha sa ahensya ng trabaho o sa job center (Arbeitsagentur/Job Center).

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

W

die Warmmiete, die Warmmieten (Upa)
Ito ang upa na kasama ang mga karagdagang bayarin o utility bills (Nebenkosten). 

der Wochenmarkt, die Wochenmärkte (Lingguhang Pamilihan)
Karamihan sa mga lungsod ay mayroong lingguhang pamilihan na binubuksan isa o dalawang beses kada linggo. Ito ay nasa sentral na lugar o kaya sa isang bulwagan. Ang mga nagtitinda dito ay mula sa rehiyon ng lungsod. Sa lingguhang pamilihan ay makabibili ng sariwang prutas at gulay, pati na ng gatas at keso, isda at karne. Minsan ay maaarin ding makakabili ng damit dito. 

das Wohngeld (Housing Allowance)
Masyado bang mahal para sa iyo ang upa sa isang ng normal na apartment? Maaari kang mag-apply para sa housing allowance sa opisina ng pampublikong pabahay. Hindi mo na kinakailangan na bayaran ang buong upa dahil may ilang bahagi nito ang babayaran ng gobyerno. 

das Wohnungsamt, die Wohnungsämter (Opisina ng Pampublikong Pabahay)
Masyado bang mahal para sa iyo ang upa sa isang ng normal na apartment? Maaari kang matulungan ng opisina ng pampublikong pabahay, halimbawa, sa pagbibigay ng housing allowance (Wohngeld) o sa paghahanap ng pampublikong pabahay o apartment. Maaari ka ring matulungan ng tanggapang ito tungkol sa iba pang katunungan tungkol sa pabahay.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation

X

Y

Z

das Zahlungsmittel, die Zahlungsmittel (Paraan ng Pagbabayad)
May iba’t ibang uri ng paraan ng pagbabayad. Halimbawa ay ang mga sumusunod: cash (Bargeld), direct debit (Bankeinzug), EC-card (EC-Karte), credit card (Kreditkarte) at invoice (Rechnung). 

das Zeugnis, die Zeugnisse (Sertipiko o Certificate)
Ang sertipiko ay isa sa mga dokumentong kailangan (Bewerbungsunterlagen) kung ikaw ay naghahanap ng trabaho. Mayroong mga sertipiko para sa trabaho. Dito nakasulat ang ilang impormasyon tungkol sa iyong huling naging trabaho. Mayroon ding sertipiko ng pagtatapos sa paaralan at ng mataas na antas ng edukasyon. Ito ay opisyal na mga dokumento mula sa iyong paaralan o kolehiyo o unibersidad. Ang mga sertipiko na galing sa iyong pinagmulang bansa ay kinakailangan na maisalin sa German at mapatotohanan (beglaubigen lassen). 

die Zinsen (Mga Tubo)
Ikaw ba ay may pera sa iyong bank account? Makatatanggap ka ng kaunting halaga para dito mula sa iyong bangko. Ito ay ang tinatawag na Zinzen o tubo. Ikaw ba ay may utang (Kredit) sa iyong bangko? Kailangan mong magbayad sa bangko para dito buwan-buwan. Ito rin ay tubo o Zinzen. 

die zweisprachige Schule, die zweisprachigen Schulen (Ang Bilingual na Paaralan)
Ang pagtuturo dito ay ginagawa sa dalawang wika, kadalasan sa German at sa isa pang wika.

Glossar Sprungnavigation

Glossar Sprungnavigation