Ansicht auf eine sommerliche Party auf einer Wiese mit vielen Menschen, Essensständen und Dekoration © Goethe-Institut

Ano ang mga maaari mong gawin para sa iyong oras ng paglilibang? Sa lungsod ay maraming mga pagpipilian:

Kultura

Mahilig ka ba sa kultura? May mga museo, sinehan, teatro at mga konsiyerto sa karamihan ng mga lungsod. Padami na nang padami ang mga sinehan na nagpapalabas ng mga pelikulang pang-internasyonal na nasa orihinal na bersyon (OV). Sa mga libraries o city libraries ay maaari kang magbasa ng mga libro, makinig ng musika at manood ng mga palabas nang libre o may kaunting bayad lamang. Maaari mo ring mahiram ang mga libro, mga pelikula at mga CDs. Maaari mo silang iuwi at ibalik pagkatapos. 

Ansicht auf die Vorderseite der Münchner Staatsoper © Goethe-Institut

Adult Education Center, Samahan at Clubs

May mga Adult Education Center (Volkshochschulen) sa maraming mga lugar. Dito ay makakahanap ka ng mga kurso para sa mga nakatatanda, halimbawa ay kurso sa pagsasayaw o mga kurso sa pag-aaral ng iba’t ibang wika. Sa link na ito ay maaari mong mahanap ang pinakamalapit na adult education center (Volkshochschule) sa iyong lugar:



Mahilig ka ba sa sports? May mga kurso din sa sports sa mga adult education centers (Volkshochschule). Maaari ka rin pumunta sa isang public pool o sa isang sports club. 

Isa pang opsyon ay ang mga samahan at mga clubs. Sa mga samahang ito ay nagkakasama ang mga tao na mayroongmga parehong interes at layunin. Halimbawa ay ang mga music clubs, sports clubs, cooking clubs o ang computer clubs. Mayroong mga samahan para sa mga matatanda at para sa mga kabataan. Para sa mga magulang at mga bata ay mayroon ding kadalasan na mga libreng inaalok na libangan. Para sa mga maliliit na batay ay mayroon halimbawa na mga playgroups (Spielgruppe) sa ilang mga lugar.

Ansicht auf einen Barausschank,links steht ein lachender Barkeeper. Viele Aufkleber und die Farbgestaltung weisen auf den FC Bayern hin. © Goethe-Institut

Mga Park at Kalikasan

Mahilig ka ba sa mga panlabas na aktibidad o kalikasan? Ang bawat lungsod ay may mga parks. Maraming mga palaruan para sa mga bata na kadalasan ay maaaring puntahan ng walang bayad. Sa mga botanical gardens ay maaaring makakakita ka ng mga kakaibang halaman. Ang mga hayop mula sa buong mundo ay maaaring mabisita sa zoo. Kadalasan ay kaunting fee o bayad ang pagpasok sa mga zoo at botanical gardens. Mayroon ding mga lawa, kagubatan at kabundukan sa maraming rehiyon, maaaring ikaw ay naninirahan rin malapit sa dagat.

Sa Bahay

Sa bahay ay mahilig ang karamihan na manood ng TV o makinig sa radyo. Ang bawat sambahayan sa Germany ay kailangang ipatala ang kanilang radyo o tv at bayaran ang mga kaukulang buwan-buwang singil o taripa para dito. Sa kasalukuyan, ito ay nagkakahalaga ng 17,98€ kada buwan. Kung wala kang masyadong pera, wala kang kailangan bayaran. 

Marahil mayroon kang patyo o balkon sa iyong bahay. Dito ay hindi mo maaaring gawin ang lahat ng gusto mo. Halimbawa, may mga bahay kung saan hindi pinapayagan ang pag-iihaw. Makikita ang mga karagdagang impormasyon tungkol dito sa regulasyon ng bahay (Hausordnung).

Ang mga impormasyon tungkol sa mga libangan ay makikita mo rin sa website ng iyong lungsod o lugar ng iyong tirahan.

Ansicht auf einen See mit Bergpanorama im Hintergrund. Aus der Vogelperspektive sieht man im Vordergrund Wanderer. © Goethe-Institut

Video International Sign

Mga Kadalasang Katanungan

Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.

Contact form