Pagbubuntis
Ang buhay na mayroong mga anak ay naguumpisa sa pagbubuntis. Kung ikaw ay may mga katanungan tungkol sa pagbubuntis, maaari kang pumunta sa isang tanggapan na nagbibigay ng payo o counselling tungkol dito (Schwangerschaftsberatung).
Sa panahon ng pagbubuntis ay kailangan mong regular na magpatingin sa iyong hinekologo o gynecologist. Masasagot niya ang iyong mga katanungan at mababantayan niya ang kalusugan ng iyong pinagbubuntis. Halos ganito din ang katungkulan ng isang midwife (Hebamme). Papayuhan at tutulungan ka ng midwife sa panahon ng iyong pagbubuntis pati na rin pagkatapos ng iyong panganganak. Siya rin ay kasama habang ikaw ay nanganganak. Matutulungan ka ng iyong doktor na makahanap ng hinekologo at/o isang midwife. Maraming kababaihan ang nagpupunta rin sa isang kurso para sa paghahanda sa panganganak. Dito makakakuha ka ng mga payo tungkol sa panganganak at makakakilala ka rin ng mga kapwa mong buntis.
Maternity Leave, Leave ng magulang at Parental Allowance
Kung mayroon kang permanenteng trabaho, maaari kang kumuha ng bayad na maternity leave bago ka manganak, na nangangahulugang hindi mo kailangang magtrabaho. Karamihan ng mga kumpanya ito ay nagsisimula ng anim na linggo bago ka manganak. Ang bayad na maternity leave ay tumatagal ng hindi bababa sa labing-apat na linggo. Ang itinakdang araw na ito ay maaaring madagdagan. Maaaring hindi wakasan ng iyong employer ang iyong trabaho sa oras na ito. Pagkatapos ng maternity leave, maaari kang kumuha ng leave ng magulang: maaari kang manatili sa bahay hanggang ang iyong anak ay tatlong (3) taong gulang. Pagkatapos ng tatlong taon maaari kang bumalik sa iyong trabaho.
Sa unang labing dalawang (12) buwan ng leave ng magulang makakakuha ka ng parental allowance. Kung ang iyong partner ay kumuha ng parental leave, ito ay labing-apat (14) na buwan. Ang halaga ng allowance ng magulang ay depende sa iyong netong suweldo. Dapat ilapat ang allowance ng magulang. Makukuha mo rin ito kapag wala kang trabaho. Bilang karagdagan sa parental allowance, maaari kang mag-aplay para sa benepisyo ng bata. Makakatanggap ka ng benepisyo sa bata hanggang sa ika-labing-walong (18) kaarawan ng iyong anak. Kung kaunti lamang ang iyong kinikita, makakakuha ka pa rin sa ilalim ng ilang mga kondisyon ng isang karagdagan sa benepisyo ng bata.
Pag-iingat sa Kalusugan
Kailangan na regular na ipa-konsulta sa doktor o pediatrician ang iyong anak. Ang bawat pagkonsulta ay tinatala ng doktor sa isang espesyal na booklet. Ito ay mga check-ups (Vorsorgeuntersuchungen) na kailangang gawin kahit na walang sakit ang iyong anak. Ang pediatrician din ang magbabakuna (Impfungen) sa iyong anak.
Pag-aaruga ng mga Anak
Kung gusto mong bumalik nang maaga sa trabaho, kailangan mong maghanap ng mag-aalaga sa iyong anak. Maraming paraan para dito. Ang mga bata na 3-taon pababa ay maaaring dalhin sa isang daycare center (Kinderkrippe) o kaya ay maaaring ihabilin sa isang babae o lalaking nanny. Ang mga batang mula 3-taong gulang pataas ay maaaring dalhin sa isang nursery (Kindergarten ) o sa isang child care center (Kindertagesstätte) (basahin ang bahaging „Maagang Pagsuporta„). Ang mga bata mula 6 o 7-taong gulang ay kailangan nang pumasok sa paaralan. Mayroong tinatawag na compulsory schooling sa Germany (basahin: „Sistema ng Paaralan“). Kung ikaw ay pumapasok sa trabaho, ang iyong anak ay maaaring pumasok sa paaralang pang-buong araw o kaya pumunta sa isang day care center (Hort) pagkatapos ng klase sa paaralan. Maaaring manatili doon ang iyong anak hanggang alas-4 o alas-5 ng hapon. Kadalasan ay maaari ding kumain dito ng tanghalian ang iyong anak.
Mga Libangan o Paglilibang
Marami kang maaaring gawin kasama ang iyong anak sa mga libreng oras. May mga palaruan sa labas para sa mga maliliit na bata. Ang mga malalaking bata, halimbawa, ay maaaring sumali sa mga sports clubs. Sa panahon ng tag-araw, maraming mga outdoor pools sa lahat ng lugar na pwedeng puntahan. Sa panahon naman ng tag-lamig, ay maaaring pumunta sa mga indoor pools. Tuwing bakasyon sa paaralan ay mga special offers ang mga lungsod na hindi masyadong mahal ang bayad. Makakakuha ka ng mga impormasyon tungkol dito sa Child and Youth Welfare Office (Jugendamt) at sa bulwagan ng bayan sa iyong lungsod. May mga samahan ding nag-aalok ng mga espesyal na gawaing pang-libangan para sa mga bata o mga kabataan (tingnan din ang bahaging „Libangan“).
Maraming German na bata ang nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa bahay at nag-iimbita ng iba pang mga bata. Kung ang iyong anak ay nakatanggap ng imbitasyon at pupunta sa pagdiriwang, makakahanap siya kaagad ng mga kaibigan. Minsan din ay nag-iimbita ang mga bata ng ibang bata para matulog sa kanilang bahay. Makakatulong din ito sa iyong anak na makahanap ng mga kaibigan.
Pag-aaway, krisis at karahasan sa pamilya
Ang iba't ibang mga ideya, paninibugho o hindi inaasahang mga sitwasyon sa buhay ay maaaring humantong sa mga pag-aaway at krisis sa pamilya. Ang mga parental counseling center ay maaaring makatulong upang makahanap ng solusyon. Bilang karagdagan, may mga paraan upang malaman ang tungkol sa kaluwagan sa pamilya.
Ang mga napahiya, pinilit, nanganganib sa kanilang pamilya o nakakaranas ng pisikal o sekswal na karahasan ay nangangailangan ng tulong. Ang impormasyon at numero ng emergency ay matatagpuan sa website ng Federal Office for Family Affairs. Mayroon ding mga espesyal na tulong para sa mga kababaihan.
Video International Sign
Mga Kadalasang Katanungan
Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.
Contact form