Man sieht eine Straße in Berlin mit vielen Menschen, die über die Straße gehen und einem Bus und Trams im Hintergrund. © Goethe-Institut

Sa Pamamagitan ng Paglalakad o Paggamit ng Bisikleta

Sa mga nayon at maliliit na syudad ay kadalasang madali mong mararating ang iyong mga pupuntahan sa pamamagitan lamang ng paglalakad. Karamihan din sa mga tao sa Germany ay nagbibisikleta lamang papunta sa mga supermarkets o sa pagpasok sa trabaho. Karamihan sa mga kalsada ay may mga daan para sa mga bisikleta. Kung wala namang daan para sa mga ito, kailangang gamitin ng mga nakatatandang namimisikleta ang kalsada. Ang mga batang hanggang 8-taon gulang ay dapat sa may bangketa lang mamisikleta. Ang mga bata hanggang 10-taong gulang naman ay maaari din sa bangketa mamisikleta. May iba pang mga patakarang pang-trapiko para sa mga naglalakad at namimisikleta. Halimbawa, kung ikaw ay tumawid na pula pa ang ilaw trapiko o kaya kung sira ang ilaw ng iyong bisikleta. Kapag nakita ito ng pulis, kailangan mong magbayad ng multa (Bußgeld).

Ansicht auf einen Gehweg mit abgestellten E-Rollern und Fahrrädern, im Hintergrund drei junge Männer und ein Schild einer Curry-Wurst-Bude. © Goethe-Institut

Sa Pamamagitan ng Pampublikong Sasakyan

Sa mga syudad ay may mga pampublikong sasakyan tulad ng pangrehiyon na tren (S-Bahn), subway trains (U-Bahn), at trambya (Straßenbahn) (sa timog na bahagi ng Germany, ang tawag dito ay Trambahn) at mga bus. Ang mga tickets ay kadalasang mabibili sa mga automated machines sa mga istasyon ng tren at mga himpilan. Sa mga istasyon ng tren ay may mga counter na bilihan ng ticket. Minsan ay makakabili ng ticket sa bus mismo. Maaari ka ring makabili ng panglingguhan, pangbuwanan o pangtaunang ticket. Mas makakatipid ka kung ikaw ay bibiyahe gamit ang pampublikong sasakyan. Ang mga bata, mga mag-aaral, mga may kapansanan at senior citizens ay kadalasang may diskwento. Mas mura ang kanilang binabayaran. Sa mga bus at tren ay may inspeksyon ng ticket (Fahrscheinkontrollen). Kung ikaw ay mahulihan na walang ticket, kailangan mong magbayad ng multa (Bußgeld). 

Sa mga himpilan o istasyon ay makikita din ang mga talaorasan o timetables kung saan nakasulat ang pagdating, pag-alis at destinasyon ng mga bus at tren. Maaari mo rin mabasa ang mga ito sa website ng mga kumpanya ng transportasyon.

In einer Unterführung sieht man ein Fahrrad, zwei E-Roller und beklebte Säulen, im Hintergrund fährt eine Tram vorbei. © Goethe-Institut

Sa Pamamagitan ng Kotse

Maraming mamamayan ang nagmamaneho ng kanilang sariling kotse sa lungsod. Maraming mga lungsod ang may mga paradahan at car parks (Parkhäuser). Itinuturo ng mga karatula sa gilid ng daan kung saan maaaring pumarada. Kadalasan ay may bayad ang mga paradahang ito. Sa pagmamaneho, kailangan mong dalhin lagi ang iyong lisensya (Führerschein) at ang rehistro ng iyong kotse (Fahrzeugschein). Hahanapin ito ng pulis sa pag-iinspeksiyon.

Paglalakbay

Nais mo bang bumisita sa ibang siyudad sa Germany o sa ibang malalapit na bansa? Maaari kang mag tren, eroplano o bus. Ang parahan ng mga bus ay karaniwang malapit sa Hauptbahnhof. Para sa matagalang byahe mayroong „Fernreisebusse“. Mayroong iba’t-ibang Operator sa Germany. Bumabyahe ito sa madaming iba’t-ibang siyudad sa Germany at Europa. Kapag maaga ka nag-book, Ang mga ticket ay maaaring maging kapaki-pakinabang.  Ang mga bus ay komportable at kadalasang may WLAN. Para malaman kung kailan at saan ang mga ito, maaari kang bumisita sa www.fernbusse.de.
 
Ang paglalakbay gamit ang tren ay karaniwang ginagawa sa Deutsche Bahn (DB). Kadalasan ikaw ay makakatipid: Kung nag-book ka ng maaga, makakakuha ka ng mga murang tiket. Iyan din ang kaso kapag naglalakbay sa pamamagitan ng eroplano. Ang mga isla sa Hilagang Dagat at ang Baltic Sea ay mayroon ding mga malalaking barko.

Ansicht auf ein Bahnhofsgebäude, oben ist ein abgeschnittenes Deutsche Bahn-Logo zu sehen, außerdem Wegweiser zu den Gleisen. © Goethe-Institut

Video International Sign

Mga Kadalasang Katanungan

Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.

Contact form