Ang Konstitusyon (Verfassung) ng Germany ay tinatawag na Saligang Batas (Grundgesetz). Sa Saligang Batas nakasaad ang mga pinaka mahalagang legal at pampulitikang patakaran ng Pederal na Republika ng Germany. Nakasaad dito halimbawa na ang Germany ay isang bansang demokratiko. Ito ay nangangahulugan na ang bawat mamamayan ay maaaring makibahagi sa gawaing pulitikal, sa pamamagitan halimbawa ng pagsali sa mga asosasyon, inisyatibo, unyon (Gewerkschaften) o partido (Parteien).
Ang mga partidong pampulitika ay may magkakaibang mga programa at layunin. Ang pinakamalaking partido ay ang SPD (Social Democratic Party ng Alemanya), CDU (Christian Democratic Union), Bündnis 90 / Die Grünen, FDP (Free Democratic Party), AfD (Alternative for Germany), at Die Linke. Maraming iba pang mas maliliit na mga partido.
Sinasabi ng kalayaan ng relihiyon: Ang bawat isa ay malayang pumili at magsanay ng kanilang relihiyon. Mga 1/3 ng mga tao sa Germany ay walang opisyal na relihiyon. Karamihan sa mga German ay nabibilang sa relihiyong Kristiyano, kaya sila ay Romano Katoliko o Protestante. Maraming mga pista opisyal ng mga Kristiyano tulad ng Pasko o Easter ay mga pampublikong bakasyon. Ito ay nangangahulugan na ang karamihan sa mga tao ay hindi kailangang magtrabaho sa mga araw na ito. Marami ding miyembro ng ibang mga relihiyon sa Germany.
Sa mga paaralan ay may mga Protestante at Katoliko na pagtuturo. Sa ilang paaralan mayroon ding Christian Orthodox, Jewish at Islamic religious education. Ang mga magulang ay maaaring magpasiya kung ang kanilang anak ay dapat pumunta sa klase tungkol relihiyon. Sila rin ang magpapasiya kung anong relihiyosong edukasyon ang dapat kunin ng kanilang anak.
Sa Germany, ang oryentasyong sekswal ay maaaring mabuhay nang lantaran. Nangangahulugan ito na ang pagmamahal sa parehong-sekswal, bi-, trans- at intersexuality ay halos bahagi ng pang-araw-araw na buhay bilang heterosexual. Ang kilusang LGBTQ ay may mahalagang papel din sa Germany. Ito ang komunidad ng mga lesbians, gays, bisexuals, transgender at queers. Ang mga ito ay protektado sa Germany. Halimbawa, ang simbolo ng kilusang LGBT ay ang bandila ng bahaghari.
Mula noong Oktubre 1, 2017, ang magkaparehong kasarian sa Germany ay maaaring mag-asawa na mayroon ng lahat ng mga karapatan at obligasyon. Nangangahulugan din ito, maaari sila mag-adopt ng bata kung sila ay may sapat na kredensyal at dokumento.
Kung hindi respetado ang mga karapatan, maaaring sa silang mag sampa ng kaso ng diskriminasyon. Tingnan ang seksyon sa aming web portal.
Video International Sign
Mga Kadalasang Katanungan
Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.
Contact form