Ein Wohnhaus mit vielen Wohnungen ist zu sehen. Vor dem Haus steht ein blühender Baum. © Goethe-Institut

    Pamumuhay

    Paghahanap ng Matitirahan

    Naghahanap ka ba ng isang apartment? Sa maraming mga pahayagan ay mga ad sa pabahay kapag Biyernes o Sabado. Ang mga ad ng apartment ay matatagpuan din sa website ng pahayagan. Mayroon ding sariling mga site ng real estate sa Internet. Gayundin, ang tanggapan ng pabahay ng iyong lungsod o komunidad ay madalas na tumutulong sa paghahanap. Sa ilang rehiyon mas madali maghanap ng apartment ngunit sa iba naman ay mas mahirap. Dito ay makakatulong ang isang rieltor sa paghahanap: Kung makakita siya ng apartment para sa iyo, kailangang bayaran mo siya. Karaniwan, ang isang broker ay nakakakuha ng halagang 2 hanggang 3 buwan na upa bilang isang komisyon.

    Ein Schlüsselbrett mit vielen Schlüsseln hängt im Eingang einer Wohnung. © Goethe-Institut

    Upa at Deposito

    Kadalasang nakalagay sa mga anunsyo kung magkano ang upa na dapat mong bayaran. Ngunit mas madalas na ang tanging basic na upa (Kaltmiete) lamang ang nakalagay dito at kailangan mo pa rin bayaran ang mga karagdagang bayarin (Nebenkosten). Halimbawa, ikaw ang magbabayad sa tubig, sa paglilinis ng hagdan at ng paghakot ng basura. Ang heater at kuryente ay maaaring bahagi pa rin ng karagdagang bayarin (Nebenkosten), ngunit ito ay nagbabago. Tanungin mo ang nagpapaupa kung anu-ano ang kasama sa karagdagang bayarin (Nebenkosten) at kung ano pa ang kailangan mong bayaran. 

    Ang basic na upa (Kaltmiete) at ang mga karagdagang bayarin (Nebenkosten) ang bumubuo sa upa (Warmmiete). Ang kumpletong upa (Warmmiete) ay babayaran mo kada buwan sa nagpapaupa. 
    Ang mga apartment ay karaniwang walang kasangkapan. Kadalasan, ang naiiwan lang ay ang lutuan sa kusina. Ang mga kagamitan ng naunang nangupahan na naiwan sa apartment ay kailangan mong bayaran gaya halimbawa ng refrigerator. Ang tawag dito ay Ablöse o kabayaran para sa mga kasangkapan ng lilipatang bahay o apartment. 

    Kadalasang humihingi ang nagpapaupa ng deposito (Kaution) mula sa kanyang mga nangungupahan. Ang halagang ito ay hindi hihigit sa 3 buwan na basic na upa (Kaltmieten). Sa pag-alis sa inuupahan ay makukuha muli ng nangungupahan ang deposito. Kung gusto mong malaman kung ang upa sa isang apartment ay masyadong mataas, maaari itong i-check at tingnan sa Mietspiegel o average rental price. Dito matatagpuan ang pangkaraniwang bayad sa upa sa bawat lungsod. Hanapin sa internet ang „Average Rental Price“ (Mietspiegel) at ibigay ang pangalan ng iyong lungsod. 

    Hindi mo pa alam kung magkano ang babayaran mo sa tubig, kuryente at gas, sa simula ng taon. Kaya ka nagbabayad ng advance payment (Vorschuss) buwan-buwan. Sa katapusan ng taon, maaari kang makatanggap ng pera (sobrang ibinayad dito) o kaya ay magbabayad ng karagdagang halaga.

    Ein Stromzähler hängt im Keller einer Wohnung. © Goethe-Institut

    Kontrata sa Upa

    Ang lahat ng impormasyon sa upa at deposito (Kaution) ay nakasaad sa kontrata ng upa. Dito rin nakasaad kung ang apartment ay kailangan mong ayusin bago ka umalis. Nakasulat din dito ang mga impormasyon tungkol sa iyong termination period (Kündigungsfrist). Kadalasan ay kailangan mong pumirma sa handover report (Übergabeprotokoll) kung ikaw ay lilipat na sa isang apartment. Sa handover report nakatala, halimbawa, kung may mga bagay na sira o depektibo sa loob ng apartment. Dito masisiguro mo at ng nagpapaupa na hindi ikaw ang nakasira sa mga ito. Basahin mong mabuti ang kontrata at ang handover report bago mo pirmahan.

    Mga Regulasyon sa Bahay

    Para maiwasan ang alitan sa iyong mga kapit-bahay, dapat mong sundin ang mga regulasyon sa bahay. Mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 7:00 ng umaga ay ang tinatawag na oras ng pahinga o Ruhezeit. Hindi ka dapat masyadong mag-ingay sa mga oras na ito. Tuwing Sabado at Linggo naman ay buong araw ang Ruhezeit.
     
    Sa Germany ay may iba’t ibang uri ng basurahan para sa papel at cardboard, prutas- at tira-tirang gulay at ibang basura. Ang mga salamin, lata o mga kagamitang elektrikal ay dapat mong dalhin sa mga espesyal na lugar ng ipunan o sa mga container na ipunan. Ang iba pang mga patakaran ay matatagpuan mo sa regulasyon ng bahay o Hausordnung. Halimbawa: Maaari ka bang mag-alaga ng aso o pusa sa loob ng apartment? O kaya kailangan mo bang linisin ang pasilyo o daanan sa harap ng gusali ninyo?

    Eine Person putzt ein Treppenhaus in einem Wohnhaus. © Goethe-Institut

    Video International Sign

    00:01
    00:00
    Progressive stream type not supported or the stream has an error (SOURCE_PROGRESSIVE_STREAM_ERROR)

    Mga Kadalasang Katanungan

    Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.

    Contact form