Ansicht auf ein Gebäude mit der Aufschrift „Jobcenter“ © Goethe-Institut

Work permit

Ikaw ba ay hindi nagmula sa European Union (Europäischen Union (EU) o sa European Economic Area (Europäischen Wirtschaftsraum)? Kailangan mo ng work permit o labor permit (Arbeitserlaubnis/Arbeitsgenehmigung) sa Germany. Kung anong klase ng permit at kung hanggang kailan ka maaaring magtrabaho sa bansa, ito ay nakatala sa iyong residence permit (Aufenthaltstitel). 

Resulta at Pagpapakilala

Ikaw ba ay nakapagtapos ng pag-aaral sa iyong bansa at dumaan sa pagsasanay para magkaroon ng sapat na kaalaman or karanasan? Kailangan mong magpakita ng dokumento na magpapatunay nito ngunit dapat ay nakasalin ang mga ito sa salitang German. Kailangan din ng patunay na ito ay lehitimong dokumento. Maaari kang pumunta sa kinauukulan (DFA, City Hall, POEA, etc.) sa iyong bansa para sa proseso ng pagpapatunay. Minsan ang mga dokumento na ito ay hindi sapat kapag ikinumpara sa mga alituntunin sa Germany. Maaari kang humingi ng payo sa iyong bansang pinanggalingan tungkol dito. Makakakita ka din ng impormasyon sa website ng "Recognition in Germany". Mayroong Infographic sa baba tungkol dito.

Ein Mann bedient die Anerkennung in Deutschland Webseite auf einem Tablet © Goethe-Institut

Mga Bakanteng Posisyon

Ikaw ba ay may work permit (Arbeitserlaubnis)? Kung mayroon, maaari ka nang maghanap ng trabaho. Maraming paraan para makahanap ng trabaho. Makakakita ka ng mga bakanteng posisyon sa internet, sa mga dyaryo, o sa ahensya ng trabaho (Arbeitsagentur/das Job-Center). Kadalasang ang mga bakanteng posisyon lamang sa rehiyon ang matatagpuan sa mga dyaryo ngunit ang mga ito ay aktuwal. Maraming mga naka-anunsiyong trabaho sa internet ngunit hindi sila kadalasang aktuwal. Ang job center (Job Center) ay papayuhan ka at maghahanap ng angkop na posisyon para sa iyo. Maaari ka ring direktang magtanong sa isang kumpanya dahil kung minsan ay hindi naka-anunsiyo sa internet o mga dyaryo ang kanilang bakanteng posisyon. Minsan ay maaari ding makakahanap ng bakanteng posisyon sa website ng isang kumpanya. 

Mayroon ding tinatawag na BIZ (Berufsinformationszentrum ) o vocational training center ng ahensiya ng trabaho (Arbeitsagentur). Dito ay makakahanap ng mga bakanteng posisyon at maraming mga impormasyon tungkol sa tema ng propesyon at trabaho. Maaari mong ilagay ang iyong profile sa website nito at ng job center (Job Center). Ang BIZ ay nagbibigay din ng payo tungkol sa maaaring maging propesyon (Berufsberatung) kung hindi mo alam ang iyong gagawin o gustong gawin.

Pati ang pagkuha ng praktika sa isang kumpanya kung saan matututunan mo ang isang trabaho ay maaaring makatulong sa iyo sa paghanap ng trabaho.

Ein Mann liest Zeitung und sucht nach Stellenangeboten. © Goethe-Institut

Job Application o Pag-a-apply sa Trabaho

Ang application (Bewerbung) ang unang hakbang sa pagpasok sa job market. Importante ang mga dokumentong ito para sa application (Bewerbungsunterlagen). Kailangan mo ng application letter na naka-address sa kumpanya (Anschreiben), isang maayos na litrato, isang resumé (Lebenslauf) at ang iyong mga sertipiko (Zeugnisse) sa wikang German. Ang BIZ ay nagbibigay ng mga workshops tungkol sa „ Job Application o Pag-a-apply sa Trabaho sa Germany“. Dito matututunan kung ano ang hitsura ng isang application (Bewerbung) at kung paano maghanda para sa job interview o pakikipanayam (Vorstellungsgespräch). 

May mga tanggapan ng nagbibigay ng payo (Beratung) sa mga imigrante sa maraming mga lungsod. Dito ay matututulungan ka din sa paghahanap ng trabaho at sa application mo (Bewerbung) (tingnan ang Pederal na Opisina para sa mga Imigrante at Refugees) (Bundesamt für Migration und Flüchtlinge). Para sa mga kabataan na may edad na 27-taong gulang pababa, may espesyal na konsultasyon (Beratung) mula sa “Jugendmigrationsdiensten” o youth migration services.

Eine Frau steht vor einem Passfotoautomaten. © Goethe-Institut

 

Video International Sign

Mga Kadalasang Katanungan

Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.

Contact form