Ang mga may-ari ng SIM-card na mula sa bansang pinanggalingan „Heimat“ay kadalasang nagkaka- problema sa paggamit nito sa Germany. Maraming mga card na hindi gumagana sa Germany at ang pagtawag gamit ang SIM-card galing sa ibang bansa ay napaka mahal.
May iba’t ibang paraan upang makagamit ng mobile na telepono sa Germany. Dito ay may listahan na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang provider:
Mobile phone contract
Isang paraan upang makagamit ng telepono ay ang kontrata sa mobil na telepono. Para dito ay kailangan mo ng bank account sa Germany at ng ID. Ang provider ay susuriin kung ang kliyente ay makakapagbayad. Paalala: Huwag ka basta bastang pipirma ng kontrata na hindi mo lubos na naiintindihan. Kumuha ka ng tagapagsalin ng wika na makakatulong sa iyo na maunawaan ito. Ang sakop na panahon ng kontrata para sa mobil na telepono ay kadalasang 1 hanggang 2 taon. Kadalasang hindi maaaring i-cancel ang kontrata sa loob ng panahong ito. Ang invoice ay kadalasang binabayaran sa katapusan ng buwan hangga’t balido ang kontrata. Atensyon! Gusto mong lumipat sa iba pagkatapos ng iyong kontrata? Kinakailangan mo itong ipagbigay alam sa iyong current provider nang maaga. Ito ay kadalasang 3-buwan bago matapos ang kontrata. Kung hindi ay maaaring ma-renew ang iyong kontrata nang kusa ng karagdagang 1-2 taon pa.
Prepaid Sim Card
Isa pang paraan ay ang Prepaid-SIM-card. Ang card na ito ay kadalasang mabibili sa murang halaga sa mga supermarket, gasolinahan, o kaya sa mga sari sari store (Kiosk). Para dito ay kailangan mo rin ng kontrata. Upang ito ay ma-activate, kailangan mo lang ibigay ang iyong address.
Binili mo ba ang SIM-card sa shop mismo ng provider? Maaari mo na ito doon mismo i-activate. Matutulungan ka doon sa paggawa nito. Binili mo ba ang iyong SIM-card sa supermarket? Kailangan mong i-activate ito sa pamamagitan ng telepono. Pagkatapos ay kailangan mong i-verify ang iyong sarili gamit ang iyong Smartphone, Tablet o Webcam ng iyong Computer.
Kapag ang Prepaid-SIM-card ay na-activate na, dapat kang maglagay ng load sa card. Ang load ay magagamit mo sa pagtawag, pagsulat ng SMS at pag-surf sa internet. Upang malagyan ng load ulit ang SIM-card, kailangan mong bumili ng load-card. Ang mga load-card ay mabibili kung saan mo nabili ang SIM-card, tulad ng supermarket, gasolinahan o sari sari store (Kiosk). Sa load-card ay may nakasulat na mahabang numero. Ang numerong ito ay dapat mong i-type sa telepono para malagyan ng load ang iyong SIM-card.
Gusto mong tumawag mula sa Germany hanggang sa ibang bansa? Kailangan mong magbayad ng connection fee na naghahalaga ng 15 Euro cent, kahit sa maiikling pagtawag. Napaka mahal ang mga tawag lalong lalo na sa Syria, Eritrea o sa mga Balkan States. Ang listahan ng mga overseas rates mula sa iba’t ibang provider ay makikita dito:
Minsan ay maaaring bumili ng karagdagang rate upang magkaroon ng nakatakdang dami ng libreng minuto para sa pagtawag sa labas ng bansa.
Mobile data
Maaaring mag-surf sa internet gamit ang smartphone kung may prepaid-SIM-card ka. Ang load mo nga lamang ay maaaring mabilis maubos. Kaya mas makakatipid kung bibili ka ng nakatakdang data rate. Sa ganitong paraan, maaari kang gumamit ng mobile internet sa halagang nakatakda para sa ilang araw o hindi kaya ay bibili ka batay sa laki ng data volume na gagamitin mo.
WLAN
Kung gusto mong mag-surf na walang bayad, maaari kang gumamit ng mga Wifi-Network. Sa mga cafe, aklatan o iba pang mga pampublikong lugar o gusali mayroon kadalasang libreng Wifi-network. Gusto mong maghanap ng libreng Wifi-network sa iyong paligid? Makakatulong sa iyo ang website na „Hotsplots“, upang makahanap ng Wifi-network pang madla na malapit sa iyo.Video International Sign
Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.
Contact form