Jemand arbeitet an einer Werkbank. Man sieht ein Lineal, einen Messschieber und Klebeband. © Goethe-Institut

Pagtatapos at Katibayan

Sa pamamagitan ng mataas na edukasyon (Studium) o ng vocational training (Berufsausbildung), makakakuha ka ng mas magandang trabaho sa Germany. Ang vocational training (Berufsausbildung) ay dapat tapusin. Kailangan dito ang katibayan sa pagtatapos (Zeugnis). Ikaw ba ay mayroong mga katibayan o sertipiko mula sa iyong bansang pinanggalingan? Ang mga sertipiko na galing sa iyong pinagmulang bansa ay kinakailangan na maisalin sa German at mapatotohanan (beglaubigen lassen).

In einer Küche eines Restaurants arbeiten verschiedene Menschen. © Goethe-Institut

Pagwawakas ng Pagsasanay

Para sa isang pagsasanay, kailangan mo ng hindi bababa sa isang pangalawang diploma sa paaralan. Kung wala ang degree na ito ay napakahirap makakuha ng isang apprenticeship. Sa Germany, mayroong isang dual system para sa karamihan sa mga apprenticeships. Sa trabaho ka direkta matututo at pagkatapos ay magpupunta ka sa isang bokasyonal na paaralan. Dito malalaman mo ang mga teoretikal na pundasyon para sa iyong propesyon. At mayroon ka ring ilang mga pangkalahatang paksa tulad ng German, pulitika o sports. Magsanay ng iyong German para sa lugar ng trabaho sa website ng Goethe-Institut.

Sa kumpanya mo gagawin ang praktikal na pagsasanay. Magtatrabaho ka ng tatlo hanggang apat na araw sa isang linggo at walo hanggang labing dalawang oras sa isang linggo sa bokasyonal na paaralan. Ang pagsasanay ay maaaring gawin sa maraming mga kumpanya at sa halos lahat ng mga lugar. Makakakita ka ng apprenticeship pati na rin ng trabaho. Kailangan mo ring magsulat ng isang aplikasyon (tingnan ang: "Paghahanap ng Trabaho"). Habang nagsasanay ka sa isang kumpanya ay makakakuha ka ng pera.

Tagal ng Isang Pagsasanay

Ang isang vocational training (Berufsausbildung) ay kadalasang nagtatagal ng 2 hanggang 3 taon. Mayroon ding mga vocational training kagaya ng propesyon sa pagbebenta, pangangalaga ng mga matatanda, o kosmetolohiya na mas maikli ang tagal. Sumangguni ka sa Ahensiya ng Trabaho (Arbeitsagentur) sa iyong lungsod.

Auf dem Bild ist eine Bibliothek mit Tischen, an denen man sitzen und arbeiten kann, zu sehen. © Goethe-Institut

Pag-aaral

Sa pamamagitan ng general qualification for university entrance (Abitur) ay makakapasok ka sa isang unibersidad (Uni). Kung ikaw ay may technical qualification (Fachabitur) ay maaari kang makapasok sa isang technical college (Fachhochschule (FH)). Ang mga kurso sa isang technical college ay kadalasang mas nakapokus sa praktikal na pagsasanay kumpara sa unibersidad. Para sa mga matataas na antas ng paaralang ito (Uni at FH) ay kinakailangan ng estudyante ang kadalubhasaan sa German. Kung ang German ay hindi mo katutubong wika ay nangangailangan ka ng isang katibayan ng iyong kaalaman ng wikang ito. Kadalasan ay hihingiin sa iyo ang katibayan sa pamamagitan ng German language exam para sa pagpasok sa mataas na edukasyon "Deutsche Sprachprüfung für den Hochschulzugang" (DSH) o TestDaF para dito. Maaari ring magkaroon ng karagdagang pangangailangan, tulad ng sapat na grado (numerus clausus). Para sa karagdagang impormasyon maaari kang magtanong direkta sa Paaralan (Hochschule.)

Ang mataas na edukasyon (Studium) ay may bayad sa ilang estado, sa iba naman ay wala. Ang mga impormasyon dito ay makikita mo sa studieren.de. Magkakaiba ang mga tuition fee (Studiengebühren). Para sa pagtatapos na batsilyer (Bachelor) ay kailangan mo ng 6 hanggang 8 semester. Kung may karagdagang 2 hanggang 4 na semester ay pwede ka nang kumuha ng master (Master).

Sa bawat lungsod ay may Professional Information Center (Berufsinformationszentrum (BIZ)). Matatagpuan mo ang BIZ sa Ahensiya ng Trabaho (Arbeitsagentur) sa iyong lungsod. Ikaw ay papayuhan dito ng mga tagapag-payo sa mga tema na: vocational training (Berufsausbildung), mataas na edukasyon (Studium) at pagpapalawak sa kadalubhasaan (Weiterbildung).

Video International Sign

Mga Kadalasang Katanungan

Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.

Contact form