Mga Katrabaho
Sa unang araw mo sa iyong bagong trabaho makikilala mo ang iyong mga ka-trabaho. Sa iyong mga katrabaho maaari mong gamitin ang „du“. Ngunit iba ang gagamitin mo para sa iyong Boss. Sa kanya ay gagamit ka parati ng „Sie“. Ngunit may pagkakaiba ang iba’t- ibang kumpanya.
Magsanay ng iyong German para sa trabaho sa website ng Goethe-Institut.
Proteksyon ng Empleyado
Sa Germany ay mayroong patakaran ng proteksyon para sa mga empleyado. Ang kumpanya ay may mga patakaran na dapat sundin para sa seguridad at kalusugan ng kanilang mga empleyado (Arbeitnehmer). Ang mga halimbawa nito: kaukulang pananamit sa trabaho, regular na oras ng pahinga at ng trabaho. Sa mga malalaking kumpanya ay may tinatawag na kinatawan ng mga empleyado (Arbeitnehmervertretung) o ang Betriebsrat. Kung ikaw ay may problema, maaari mong kausapin ang konsehong ito na siya namang makikipag-usap sa iyong nakatataas o amo (Vorgesetzte).
Oras ng Trabaho at Bakasyon
Ang oras ng trabaho ay naaayon sa uri ng iyong kabuhayan. Halimbawa, bilang isang Nars sa isang Ospital, irregular ang iyong pagpasok. Minsan ikaw ay magtatrabaho sa umaga, hapon o gabi. Mayroong mga opisina na may regular na oras ang pagpasok. Ang simula ng iyong trabaho ay sa umaga na matatapos sa loob ng 8 o 9 na oras sa sa isang araw. Lahat ng empleyado ay pinagkakalooban ng breaktime na kadalasan ay sa tanghali na nagtatagal ng 30 o 60 na minuto. Karaniwan ang trabaho ay umaabot ng 38 – 40 na oras kada linggo. Maaari ka rin magtrabaho ng part-time o 50%. Ibig sabihin ikaw ay magtatrabaho ng 20 oras sa isang linggo. Kapag ikaw ay may mga anak o self-employed, ito ay isa ring posibilidad.
Lahat ng mag trabahador ay may ilang Urlaubstage o Bakasyon sa loob ng isang taon. Dapat magamit ang mga araw na ito. Kadalasan maaari kang magbakasyon kung kailan mo gusto. Ngunit minsan hindi ka makakapagbakasyon dahil maraming trabaho sa opisina. Minsan naman ay dapat kang magbakasyon kapag ang buong opisina ay nakabakasyon din. Hindi mababawasan ang iyong sahod kapag ikaw ay nagbakasyon. Kapag ikaw ay may sakit, dapat mong sabihan ang iyong HR at pumunta sa doktor. Ang sertipikong medikal ay kailangan mo ipasa sa iyong opisina. Kadalasan hinihingi ang dokumento na ito sa ikatlong araw ng iyong sakit. (tingnan sa „Kalusugan at Insurance“)
Pananamit sa Trabaho
May mga trabaho na kailangan mong magsuot ng angkop na pananamit. Isang halimbawa ay ang pagtatrabaho sa isang construction site para sa proteksyon mula sa aksidente o pinsala. Kung minsan ay kailangan ding magsuot ng uniporme gaya halimbawa ng pagtatrabaho sa paliparan ng eroplano. O kaya ay kailangan mong magsuot ng t-shirt na may logo ng iyong kumpanya para makita o malaman ng kliente na ikaw ay empleyado sa nasabing kumpanya.
Pagpapatuloy ng Edukasyon
Kung mayroon ka nang isang apprenticeship o degree at nagtrabaho na para sa isang tiyak na tagal ng oras, maaari mong ipagpatuloy ang iyong edukasyon. Palalimin mo, palawakin ang iyong kaalaman at kasanayan. Maraming sentro ng edukasyon ay nag-aalok ng mga programa para dito.
Video International Sign
Mga Kadalasang Katanungan
Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.
Contact form