Ang (Schulpflicht) Sapilitang Edukasyon at Mga Gastusin
Sa Germany ay may (Schulpflicht) o sapilitang pag-aaral: ang mga bata ay kailangang pumasok sa paaralan sa loob ng 9 na taon. Sa ilang mga pederal na estado ang Schulpflicht ay sinusunod din ng mga bata na hindi pa malinaw ang katayuan ng paninirahan. Ang simula ng pagpasok ay nagsisimula sa Agosto o Setyembre at tumatagal hanggang Hunyo o Hulyo, depende sa estado. Karaniwan ay madami ang nag-aaral sa paaralan ng estado. Dito ay wala kang kailangang bayaran. Mura o mababa ang gastos para sa mga kopya, materyales o ekskursiyon. Sa mga pribadong paaralan kailangan mong magbayad ng mga gastusin sa paaralan. Kailangan ba ng iyong anak ng espesyal na pag-aaral ng German? Direktang makipag-ugnay sa paaralan.
Iba’t ibang uri ng Paaralan
Maraming iba’t- ibang uri ng Paaralan. Sa Grundschule /Primarschule ang mga bata ay nagsisimula mag-aral sa edad na 6 o 7 taon.Matapos ang ika-4 na grado, pupunta ang mga bata sa isang sekundaryong paaralan. Mayroong iba't ibang uri ng mga sekundaryong paaralan. Ang paaralang elementarya ay madalas na nagbibigay ng payo sa ika-4 na grado kung saan at anong uri ng paaralan maaring magpunta ang iyong anak. May mga sekundaryong paaralan (ika-5 hanggang ika-9 na grado), dito na maaari mong gawin ang isang Hauptschulabschluss o isang kwalipikadong Hauptschulabschluss. Sa sekundaryong paaralan mayroon ka ring praktikal na mga paksa tulad ng mga ibang trabaho o teknikal na pagguhit. Ang isang mas mataas na paaralan ay ang Realschule (ikalimang, ika-10 na grado), Dito mo makukuha ang sertipiko ng sekundaryong paaralan. Pagkatapos ng elementary o junior high school, maaari kang matuto ng isang propesyon. Pagkatapos ay mayroong Gymnasium (hanggang sa ika-12 grado). Dito maaari mong gawin ang Abitur at pagkatapos ay mag-aral sa isang unibersidad. Sa high school madalas maaari mong matutunan ang 2 hanggang 3 banyagang wika, tulad ng Ingles at Pranses.
Sa ilang mga pederal na estado ay may mga komprehensibong paaralan. Narito ang Hauptschule, Realschule at Gymnasium sa isang bahay na magkasama. Kung gusto ng isang bata na lumipat ng paaralan, halimbawa mula sa gitnang paaralan hanggang junior high school, mas madali ito. Sa magkakahiwalay na paaralan maaari mo ring baguhin, ngunit hindi iyon madali. Sa bawat pederal na estado mayroon ding mga bilingual na mga paaralan, mga espesyal na paaralan, teknikal at bokasyonal na sekundaryong paaralan. Ang mas detalyadong impormasyon ay matatagpuan sa aming infographics.
Oras sa mga Paaralan
Sa karamihan ng mga paaralan, ang pasok ay natatapos sa tanghali o sa hapon (alas 2 o alas 3 ng hapon). Pagkatapos ng eskwela ay maaaring pumunta ang isang bata sa daycare center (Hort). Doon ay maaari siyang manatili nang buong hapon. Doon din siya kakain ng tanghalian. Siya rin ay tutulungan dito na gumawa ng kanyang mga homework. Ang paglalagi sa daycare center (Hort) ay may bayad. Parami na nang parami ang mga paaralan na bukas nang buong araw (Ganztagsschulen). Dito sa paaralang ito ay nananatili ang mga bata nang buong araw, kadalasan hanggang alas 4 o alas-5 ng hapon.
Mga Paksa sa Paaralan
Ang mga bata ay may maraming mga paksa sa paaralan. Kabilang dito ang pisikal na edukasyon. Ito ay madalas na hindi nakahiwalay sa elementarya. Magkasama ang mga batang babae at lalaki. Kadalasan may aralin sa paglangoy. Karamihan sa mga paaralan ay may Kristiyanong pagtuturo sa relihiyon. Maaari kang tumanggi mula sa edukasyon ng relihiyon. Bilang isang alternatibo mayroong pag-aaral ng etika at sa iba namang paaralan ay may pinag-aaralan din ang ibang relihiyon.
Kung ang iyong anak ay nahihirapan sa isang paksa sa paaralan, maaari kayong humanap ng tulong sa pamamagitan ng isang pribadong tagapagturo o sa paaralan. Ang pribadong pagtuturo ay karaniwang mas mura.
Mga Gawain sa Labas ng Paaralan
Sa loob ng isang taon, ang mga paaralan ay ay karaniwang nagsasagawa ng isang class trip. Ito ay kadalasang nagtatagal ng 3-5 araw. Ang isang klase ay sama-samang pumupunta sa ibang lungsod o ibang lugar. May mga araw din ng paggagala. Dito ay nag-iiskursiyon ang mga bata at natututo ng mag bagay ukol sa kasaysayan, kultura at kalikasan. Ang paaralan ay naggaganap din ng piesta. Dito ay mayroong teatro o kaya ay konsiyerto ng mga mag-aaral.
Mga Magulang
Ang bawat paaralan ay mayroong lupon na kumakatawan sa mga magulang; ito ay binubuo ng mga magulang na nakikipagtulungan sa paaralan. Ilang beses sa loob ng isang taon isinasagawa ang pagtitipon ng mga magulang sa gabi (Elternabende). Ito ay nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon mula sa mga guro at ng pagkakataon na magkakilanlan ang mga magulang. Maaari rin na manghingi ang magulang ng appointment sa isang guro upang ito ay makausap nang sarili. Ito ay tinatawag na pakikipagpanayam sa guro (Elterngespräch). Ginagawa ito kung may mga suliranin sa paaralan o kung gustong kumustahin ng magulang ang lagay ng kanilang anak sa paaralan.
Video International Sign
Mga Kadalasang Katanungan
Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.
Contact form