Mga Bilihan at Tindahan sa pang-araw-araw na buhay
Mayroong mga supermarkets sa lahat ng mga lungsod pati na rin sa ibang mga maliliit na lugar sa Germany. Sa mga ito ay makakabili ka ng mga importanteng bagay na kailangan mo sa pang araw-araw mong pamumuhay: tinapay at karne, yoghurt at tsokolate, gamit na panlinis at toilet paper. Ang mga supermarkets ay kadalasang bukas mula alas 7:00 o 8:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi. Gusto mong bumili ng sariwang pagkain? Sa maraming mga lugar ay mayroong lingguhang pamilihan (Wochenmarkt), isa o dalawang beses kada linggo. Ito ay kadalasan tuwing Sabado. Sa lingguhang pamilihan (Wochenmarkt) ay makakapamili ka ng sariwang prutas, gulay at mga espesyalidad sa rehiyon. Ang mga sariwang karne at sariwang cold cuts ay matatagpuan sa karnihan o meat shops (Fleischerei) (sa southern Germany, ito ay tinatawag na butcher shops o Metzgereien). Ang mga bagong lutong tinapay ay mabibili naman sa mga bakery shops. Ang ibang mga bakery shops, karnihan at iba pang maliliit na tindahan ay sarado sa tanghali. Ang mga ito ay kadalasang bukas hanggang alas 6:00 o alas 6:30 ng gabi. Ang mga lingguhang pamilihan (Wochenmärkte) ay kadalasang bukas mula umaga hanggang tanghali. Sarado naman lahat ng tindahan tuwing Linggo.Serbisyong Paghahatid
Kung ayaw mong lumabas ng bahay para mamili, maaari mong gamitin ang serbisyong paghahatid: tatawag ka sa number ng serbisyong ito o kaya ay pupunan mo ang form nila sa internet. Pagkatapos ay mayroon ng maghahatid sa iyo, halimbawa, ng pizza o kaya ng mineral water sa bahay. Ang serbisyong ito ay mas mahal kumpara sa pamimili sa mga tindahan. Maraming mga maliliit na lugar o nayon ang walang tindahan, kaya madalas na mayroong mga mobil na mangangalakal na nagpupunta sa mga lugar na ito. Sila ay nagtitinda ng mga sariwang pagkain at iba pang mga bagay na kailangan sa pang-araw araw.
Specialty Stores at Internet
Kung gusto mo bumili ng aparador, computer o kaya sapatos, maaari kang pumunta sa mga department stores o sa isang specialty store. Ang mga department stores ay may sari-saring mga produkto. Maraming mga department stores lalong-lalo na sa mga lungsod. Ang mga specialty stores naman ay nagtitinda lamang ng mga natatanging produkto. Mayroon din halimbawa ng mga tindahan ng kagamitan sa bahay, tindahan ng mga gamit pang-elektroniko o tindahan ng mga sapatos. Ang oras ng pagbubukas ng mga tindahang ito ay kadalasang mula alas 9:30 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi, minsan ay hanggang alas 6:30 ng gabi lamang.
Maraming bagay na ang maaaring mabili mula sa internet. Kadalasan ay maghihintay ka lamang ng ilang araw at ang produkto ay maihahatid na sa iyo.
Pagbabayad
Sa Germany ay may iba’t ibang karaniwang paraan ng pagbabayad (Zahlungsmittel). Sa lahat ng lugar ay maaari kang magbayad ng cash (Bargeld). Kung ikaw ay may account sa isang bangko o kaya ay sa savings bank, kadalasang makatatanggap ka ng EC-card (EC-Karte) o ng credit card (MasterCard o Visa) (Kreditkarte MasterCard oder Visa). Maaari kang magbayad sa pamamagitan ng EC-card o ng credit card sa karamihan ng mga tindahan o department stores.
Maaaring bayaran ang mga binili sa internet gamit ang credit card (Kreditkarte) o kaya sa pamamagitan ng direct debit (Bankeinzug) o invoice (Rechnung). Kung nais mong magbayad sa pamamagitan ng direct debit (Bankeinzug), kailangan mong ibigay online ang mga impormasyong ng iyong account. Ang bayad ay automatik na makakaltas sa iyong account. Sa paraang invoice (Rechnung) naman, kailangan mong bayaran ang iyong mga binili mula sa iyong account sa pamamagitan ng remita.
Mga Presyo, Warranty at Palitan
Karamihan ng mga tindahan sa Germany ay mayroong mga nakapirming presyo para sa lahat ng mga produkto. Minsan ay maaari kang makipagpalitan sa merkado na may malalaking halaga sa mga tindahan ng specialty. Ngunit hindi ito karaniwan.
May binili ka ba at ito ay may sira? Mayroon kang 2 taong palugit para gamitin ang garantiya nito (Gewährleistung): makatatanggap ka ng bagong kapalit na produkto o kaya ay maibabalik mo ang sirang gamit at makukuha mong muli ang iyong ibinayad na halaga, o kaya naman ay mas maliit na halaga na lamang ang kailangan mong bayaran. Kung minsan naman ay may garantiya din sa ibang mga produkto. Kung ang produkto, halimbawa ang isang TV, ay nasira sa panahon ng garantiya, ito ay aayusin ng walang bayad o kaya ito ay papalitan ng bago.
Ang panahon ng warranty ay 12-24 na buwan mula sa petsa ng pagbili.
Ang ilang mga tindahan ay nag-aalok din ng posibilidad na makipagpalitan: Kung hindi mo gusto ang produkto, maaari mo itong ibalik. Maibabalik nila ang iyong ibinayad. Sa Internet o sa mas malalaking tindahan at mga department store, kadalasang posible ang palitan sa loob ng 14 na araw. Kailangan mong ipakita ang resibo o ang invoice. Kadalasan hindi maaaring makipagpalitan ng mga magandang alok o tinatawag na „special offers“.
Video International Sign
Mga Kadalasang Katanungan
Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.
Contact form