Maliliit na Bata Hanggang 3-Taong Gulang
Ikaw at ang iyong partner ay kapwa na nagtatrabaho at kayo ay may maliit na anak (ilang buwan hanggang 3 -taong gulang). Sa dahilang ito ay maaari mong dalhin ang inyong anak sa daycare center (Kinderkrippe). Kung minsan ay hindi sapat ang mga pwesto ng mga daycare center (Kinderkrippe). Kaya ipinapa-rehistro nang maaga ang mga bata dito. Mula sa edad na 3-taong gulang ay maaaring pumasok sa nursery school (Kindergarten) ang mga bata. Doon ay maaari silang maglaro, kumanta, mag-drawing at gumawa ng mga bagay pang-sining. Sa maraming nursery schools (Kindergarten), ang mga babae at lalaking nangangalaga (Erzieherinnen/Erzieher) ay nagpapasyal sa mga bata sa kalikasan kapag tag-araw. Karaniwan ay tinuturuan din sila ng wika (Sprachförderung) sa nursery school (Kindergarten) sa pamamagitan halimbawa ng mga laro na lumilinang ng kanilang kasanayan sa wika. Binabasahan din sila ng mga salaysay.
Nursery School at Daycare Center
Ang nursery school ay napakahalaga sa mga bata: Ito ay naghahanda sa kanila bago sila pumasok sa paaralan. Ang bawat bata na 3-taong gulang ay maaaring makatanggap ng pwesto sa nursery school. May nursery school (Kindergarten) din sa mga maliliit na lugar. Ipa-rehistro mo nang maaga ang inyong anak sa nursery school (Kindergarten). Dito rin ay limitado lamang ang mga pwesto. Sa pamamagitan ng nursery school (Kindergarten) ay magkakaroon ng kaugnayan ang inyong anak sa kultura at maaari niyang mabilis na makilala ang bagong bansa na kaniyang pinaglalagian.
Ang ilang nursery school (Kindergärten) ay bukas lamang hanggang tanghali (mula alas 7 nang umaga hanggang alas 12 nang tanghali o ala-una ng hapon). May mga nursery school (Kindergärten) naman na bukas buong araw (mula alas 7 nang umaga hanggang alas 4 o alas 5 nang hapon). Ang mga nursery school na ito ay tinatawag na Kita o child care center (Kindertagestätte). Dito nanananghalian ang mga bata.
Karaniwan ay may bayad ang isang pwesto sa daycare center (Kinderkrippe) o sa nursery school (Kindergarten) o sa Kita. Ang bayad dito ay iba-iba sa bawat estado (Bundesländer) at hindi lahat ay pare-pareho ang laki ng ibinabayad. Ito ay nakasalalay sa iba’t ibang bagay tulad ng: Magkano ang iyong kinikita? Ilang taon na ang iyong anak? Ilang oras maglalagi ang iyong anak sa nursery school? Mayroong mga pampubliko at pribadong daycare center o nursery school. Ang mga pribadong nursery school/daycare center ay mas mahal. Ang ibang nursery school ay may dalawang nasyonalidad. Doon ay 2 wika ang sinasalita, kagaya halimbawa ng Spanish at German.
Sa karamihan na mga nursery school/Kita ay may pagsusulit sa wika ang lahat ng mga bata bago mag-umpisa sa paaralan. Minsan ay mahirap din ang wikang German para sa mga batang katutubo. Ang mga batang hindi makapasa dito ay maaaring pumasok pa ng isang taon sa nursery school o kaya’y makatanggap ng tulong upang matutunan nang mainam ang wika (Sprachförderung).
Video International Sign
Mga Kadalasang Katanungan
Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.
Contact form