Auf einem Bild, das von einem Kind gemalt wurde, sind Wörter in verschiedenen Sprachen zu sehen. © Goethe-Institut

Maraming mga tao mula sa ibang bansa na lumilipat sa Germany bawat taon. Mahigit sa 20% ng populasyon ng Germany ay nagmula sa ibang kultura. Marami sa kanila ay multilingual. Maliban sa wikang kanilang kinagisnan, sila rin ay marunong pa ng isa o maraming wika na banyaga. Maraming tao na lumilipat sa Germany ay nag-aaral ng German bilang pangalawang wika. Kung ikaw ay marunong ng wika ng bansa o rehiyon na iyong tinitirhan (Umgebungssprache), mas mainam ang pakikipag-intindihan mo sa mga tao doon at mas mauunawaan mo ang mga gawi ng mga ito.

Mga Benepisyo ng Pagiging Multilingual

Ang makapagsalita ng higit pa sa isang wika ay isang mahalagang katangian sa ating mundo ngayon. Ang mga hangganan sa pagitan ng mga bansa ay mas maluwag na kaysa noon, at parami na nang parami ang mga taong lumilipat sa ibang bansa. Ang sino man na marunong magsalita ng wika bukod pa sa kanyang wikang katutubo ay may mas maraming tyansa sa buhay. Parehas sa pribado o sa propesyon, ang mga taong marunong ng maraming wika ay kayang pumagitan sa mga taong galing sa ibat ibang kultura. Ang mga taong multilingual ay may malawak na pang-unawa sa gawi at kilos ng ibang tao. Ito ay kanilang sinusuri sa ibat ibang perspektibo. Ang mga anak ng mga imigrante na lumalaki sa Germany ay natututo ng wika ng kanilang mga magulang (wikang katutubo) (Herkunftssprache) karaniwan mula sa kanilang kapanganakan. Sa pamamagitan ng kanilang wikang katutubo ay natututunan din nila ang kultura at tradisyon ng bansang pinagmulan ng kanilang mga magulang. Ang German ay madalas nilang natututunan sa pamamagitan ng pakikipaglaro at pakikitungo sa ibang mga bata at nakakatanda, halimbawa ay sa daycare center o sa paaralan. Ang mga batang ito ay lumalaking multilingual o bilingual.

Ang Kahalagahan ng Wikang German

Mahalaga para sa mga nakatatanda ang matuto ng German para makipag-usap sa kanilang kapwa tao sa Germany. Malaking tulong din sa integrasyon ang pagsasalita ng wika ng iyong kinaroroonan. Para sa mga bata, ang mahusay na kaalaman sa German ay mahalaga kung sila ay papasok sa German na paaralan.

zwei Puppen mit unterschiedlicher Hautfarbe sitzen sich in einem Puppenbett gegenüber. © Goethe-Institut

Input at Output

Ang input at output ay mahalaga sa pag-aaral ng isang wika. Ang input ay ang wika na iyong naririnig at nababasa. Ang mga tao ay nangangailangan ng regular na kontak sa wika; Pinaka magaling ang mga totoong sitwasyon. Ang input ay dapat na may mataas na kalidad, mula sa isang tao na magaling dito o ito ang kanyang katutubong wika. Para sa mga bata, ang pagbabasa ng piling mga libro ay isang magandang uri ng input. 

Sa kabila ng input ay mahalaga rin ang output. Ang output ay ang wika na iyong ginagamit sa pagsusulat o pagsasalita. Importante na ang mga tao ay marunong gumamit ng wika. Upang matutunan nang wasto ang isang wika, mahalaga ang paggamit nito sa mga totoong sitwasyon. Ang pagsasalita at pagsusulat ay mabubuti at mahahalagang pagsasanay.

Mayroong iba’t ibang pamamaraan kung kinakausap mo sa bahay ang iyong anak o mga anak sa iyong wikang katutubo at hindi sa wikang German.

Ang Kahalagahan ng Wika ng Pamilya

Karaniwan sa mga pamilya, isa lamang ang wika na ginagamit ng tatay at nanay. Para sa mga imigrante ang wikang ito ay kadalasang hindi German. Para matutunan ng anak ang wika ng pamilya, ito ay dapat na ginagamit sa loob ng tahanan. Ito rin ay mahalaga para magkaroon ang anak ng kaugnayang emosyonal sa katutubong wika at kultura ng kanyang mga magulang.

Ang katutubong wika (Unang wika o wika ng pamilya) (Erstsprache oder Familiensprache) ng mga bata at nakatatanda ay laging nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa kultura, tradisyon at kagawian. Hindi dapat itigil ng mga pamilya ang paggamit sakanilang wikang katutubo. Ito ay dapat patuloy na gamitin sa tahanan sa pakikipag-usap sa mga anak at sa loob ng pamilya. Lubos na mahalaga para sa mga bata na sila ay bihasa sa una nilang wika. Ang mahusay na kaalaman sa unang wika ay ang pinaka magandang pundasyon sa pagtatagumpay sa pag-aaral ng ibang wika. Sa mga malalaking lungsod ay kadalasang may bilingual (zweisprachige) o trilingual (dreisprachige) na mga daycare center.

Vor einer Weltkarte hängt ein Wandkalender auf Burmesisch mit deutschen Notizen. © Goethe-Institut

Isang-Tao-Isang-Wika

Sa ilang mga pamilya, ang nanay at tatay ay magkaiba ang wikang sinasalita ng nanay at tatay. Maraming mga magulang ang gumagamit ng paraang isang-tao-isang-wika. Sa paraang ito, bawat isa sa mga magulang ay kumakausap sa kanilang anak sa sariling katutubong wika. Kung minsan, ang wika ng pamilya (ang wika na ginagamit ng parehong magulang sa pakikipag-usap sa kanilang anak) ay isa sa mga katutubong wika ng mag magulang (Vatersprache oder Muttersprache). Minsan naman, ito ay pangatlong wika na kayang salitain nang mabuti ng parehong magulang.

Importanteng Aspekto sa Multilingual na Pagpapalaki sa mga Anak

Importante sa multilingual na pagpapalaki sa mga anak ay ang pagkakaroon ng emosyonal na kaugnayan ng mga magulang sa kanilang wika. Ang pinakamabisa siyempre ay kung ang nanay o tatay ay nakikipag-usap sa kanilang anak sa kanilang sariling wika (unang wika) (Erstsprache). Kung may wika ng pamilya, ito ay nararapat na gamitin palagi sa tahanan. Kapag ang anak ay tumatanggi na gamitin ang isang wika, hindi dapat pilitin ito. Ito ay kadalasang isang pangsamantalang kalagayan lamang na lilipas rin muli. Dapat mag-ingat ang mga magulang: Ang mga ginagamit nilang wika ay hindi masyadong paghaluhaluin. Ang mga magulang na may positibong pananaw sa kanilang sariling wika ay kadalasang nagsisilbing magandang motibasyon para sa mga anak upang matututunan ang wika o mga wika ng kanilang mga magulang. Ang pagtataguyod ng unang wika o ng mga unang wika (Erstsprache(n)) ng mga anak ay mahalaga. Ang pagtataguyod din sa pag-aaral ng wika ng kapaligiran ay ganoon din kahalaga.
Developing children’s skills in their first language(s) is extremely important – but so is developing their knowledge of the local language.

Maraming mga lugar na nagbibigay-payo, tulong at suporta sa tema na multilingual education. Maraming mga lungsod at komunidad na may isang opisina o lugar na nag-aasikaso sa mga isyung interkultural. Ang mga nagtatrabaho dito ay mga taong makapagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga programa sa wika at kultura pati na rin ng mga payong kapaki-pakinabang. Pati ang mga pribadong institusyon ay may mga opisina na nagbibigay ng serbisyong ito. Sa ngayon, marami na ring mga center na tinatalakay ang temang multilingualismo at sari-saring kultura. Kung maghahanap ka sa internet ng „intercultural counselling office“ o „multilingual counselling office“, makakakita ka ng maraming links at tips.

Pagtataguyod ng Wikang German sa mga Bata

Ang bawat estado ay may sariling programa, pamamaraan at konsepto upang paunlarin ang kaalaman sa German ng mga bata sa mga daycare center at mabababang paaralan. Kapag ang isang bata ay hindi pa gaanong nagasalita ng German, makakatanggap ito ng tulong mula sa programa na nagpapaunlad sa wika kagaya ng paunang kurso sa German o German learning support classes. Kung kailangan pa ng mga bata ng karagdagang tulong sa pag-aaral ng German, maraming mga counselling office na nagbibigay ng mga tips at impormasyon dito.

Pagpapaunlad ng Wikang Katutubo

Ang unang wika ng mga bata ay maaaring mapaunlad sa sariling tahanan gayon din sa isang institusyon. Upang mapatibay ang wika ng pamilya, maaaring regular na basahan ng ina at ama ang kanilang mga anak o kumanta at maglaro kasama ang mga anak. Maaari din na makipag-usap sa mga kamag-anak sa pamamagitan ng telepono o Skype. Kung may kilala kang pamilya na nagsasalita ng iyong wika na nanggaling din sa parehong kultura, maaaring maglaro ang inyong mga anak at magsalita sa inyong katutubong wika.

Maraming mga konsulado at samahan na nag-aalok ng mga programa para sa mga batang mag-aaral upang paunlarin ang wikang katutubo. Sa mga klaseng ito, matututunan ng mga bata ang bumasa at magsulat sa kanilang unang wika. Mabibigyan din sila ng impormasyon tungkol sa pamumuhay at mga tradisyon sa kanilang mga pinanggalingang bansa. Sa ilang mga estado, may mga paaralang pampubliko na nagtuturo ng mga wikang katutubo. Ang klaseng ito ay tinatawag na karagdagang klase sa katutubong wika (muttersprachlicher Ergänzungsunterricht (MUE)).

Sa internet ay marami kang makikitang asosasyon at organisasyon ng ibat ibang languagae at cultural groups tulad ng playgroup para sa mga bata, sports club o regular’s table. Sa pamamagitan nito ay regular na magagamit ng kapwa bata at magulang ang kanilang katutubong wika o wika ng pamilya sa mga totoong sitwasyon.

Video International Sign

Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.

Contact form