Dokumento
Karamihan ng kasal ay nagaganap sa Munisipyo. Ang tawag dito ay „staatliche Heirat“ o Kasalang Sibil. Ganoon din sa Germany. Maaari ka rin magpakasal sa Simbahan. Maaari mo itong gawin pagkatapos ng kasal sa Munisipyo.
Gusto mo bang magpakasal sa Germany? Pagkatapos ay kailangan mong magparehistro sa tanggapan ng pagpapatala sa iyong lugar ng paninirahan. Upang magparehistro kailangan mo ng ilang mga dokumento: ang iyong sertipiko ng pagpaparehistro ng iyong ID card o pasaporte at ang iyong sertipiko ng kapanganakan. Mayroon na ba kayong anak? Kinakailangan mo ring dalhin ang mga dokumento para sa mga bata. Kailangan mong magkaroon ng mga dokumentong ito na isinalin sa German. Ang isang notaryo ay dapat mapirmahan na tama ang mga pagsasalin. Kailangan na mapatotohanan ang mga salin.
Mula noong Oktubre 1, 2017, pinapayagang magpakasal na may parehong mga karapatan at obligasyon ang mga mag-asawa na pareho ang kasarian sa Germany. Nangangahulugan ito, halimbawa, maaari silang mag-adopt kung and kanilang kredensyal at dokumento ay sapat.
Pagkatapos ng iyong kasal ikaw ay makakatanggap ng bagong Dokumento mula sa Munisipyo: Ang katibayan ng iyong kasal o „Heiratsurkunde /Eheurkunde“. Kung iyong ninanais, maaari kang makakuha ng „Familienstammbuch“ na may impormasyon tungkol sa iyong pamilya.
Ikaw ba ay nagpakasal na sa lugar ng iyong kapanganakan? Kung ganoon, kinakailangan mong makatanggap ng dokumento mula sa lugar kung saan ka nagpakasal. Ang dokumento na ito ay ang katibayan ng iyong kasal. Ang dokumento na ito ay kailangan i-sumite sa iyong Munisipyo sa Germany para sa pagpapatunay.
Wedding Reception
Ang karamihan ay mayroong malaking pagdiriwang o wedding reception sa araw ng kanilang kasal. Ang asawang babae ay kadalasang nakasuot ng puting damit na pangkasal. Karamihan sa mga magpapakasal ay bumibili ng wedding ring. Sa araw ng kasal, matatanggap ng lalaki ang singsing mula sa kanyang mapapangasawang babae at matatanggap naman ng babae ang singsing mula sa kanyang mapapangasawang lalaki.
Ang mga karagdagang impormasyon sa temang „International Marriage“ (Internationale Eheschließung) ay makikita sa internet sites ng German Foreign Office (Internetseiten des Auswärtigen Amts).
Ang mga impormasyon naman sa „spouse reunification“ (Ehegattennachzug), o kung ang iyong asawang babae o lalaki ay susunod sa iyo sa Germany ay makikita sa internet-pages ng „Welcome to Germany“ (Willkommen in Deutschland) ng BAMF.
Separasyon at Diborsiyo
Maraming dahilan kung bakit nagdedesisyon maghiwalay o magdiborsiyo ang mag-asawa. Lalo na kapag ang mga bata ay apektado at pagdating sa pagbabayad ng pagpapanatili, isang konsultasyon ay maaaring maging kapaki-pakinabang. Ang mga sentro ng pagpapayo ay maaari ring makatulong sa mga legal na katanungan.
Video International Sign
Mga Kadalasang Katanungan
Mga karagdagang katanungan? Sumulat sa amin sa pamamagitan ng contact form. Ipapasa namin ang iyong mga katanungan nang hindi nagpapakilala sa mga tagapayo ng youth migration services.
Contact form