Paano Gumagana ang Isang Konsultasyon?
May katanungan ka ba o problema? Kailangan mo ng mga kasagutan o tips? Sa isang konsultasyon makakatagpo ka ng mga taong tutulong sa iyo. Ang mga taga-payo ang nakakaalam ng kasagutan sa iyong katanungan o alam nila kung saan ka makakakuha ng tulong.
Ayaw mong pumunta nang mag-isa sa isang konsultasyon? Maaari mong isama ang iyong asawa, isang kaibigan o ibang kakilala. Maraming mga tanggapang may konsultasyon na maaari mo ring tawagan. Sasagutin din ng mga taga-payo ang iyong mga katanungan sa telepono. May konsultasyon din na online: Maaari kang magtanong sa pamamagitan ng e-mail o chat.
Ang mga konsultasyon ay anonymous. Tungkol lamang sa iyong mga katanungan at problema ang pag-uusapan ninyo ng taga-payo. Bawal nilang ipahayag sa ibang tao ang tungkol sa iyong mga katanungan at suliranin. Ang mga konsultasyon ay neutral: Nais kang matulungan ng mga taga-payo. Maaari mong pagkatiwalaan ang mga taga-payo. Wala kang dapat ikatakot. Ang mga konsultasyon ay kadalasang walang bayad: Wala kang dapat bayaran sa konsultasyon. Minsan ay agad kang matutulungan sa konsultasyon. Minsan naman ay kinakailangan mong humingi ng appointment.
Mayroon bang Espesyal na Konsultasyon Para sa Akin?
May espesyal na konsultasyon para sa mga imigrante: Ang opisinang nagbibigay payo sa mga nakatatandang imigrante (die Migrationsberatung für erwachsene Zuwanderer (MBE)) at ang serbisyong pang-migrasyon para sa mga nakababata (die Jugendmigrationsdienste (JMD)) ay anonymous, neutral at walang bayad. Ang MBE ay tumutulong sa lahat ng mga nakatatandang imigrante. Amg JMD naman ay tumutulong sa mga nakababatang imigrante mula 12 hanggang 27-taong gulang at sa kanilang mga magulang. Ang mga taga-payo doon ay kadalasang nagsasalita ng higit sa isang wika. Ang taga-payo mo ba ay hindi marunong ng iyong wika? Hindi ka pa ba gaanong marunong magsalita ng German? Makakatulong sa iyo ang isang tagapagsalin ng wika: Nakapagsasalita siya ng iyong wika at ng German.
Ano-ano ang Maaari Kong Itanong sa Taga-payo?
Ang JMD at MBE ay makakatulong sa iyong mga katanungan at suliranin tungkol sa pamumuhay sa Germany halimbawa ng: Gaano katagal akong maaaring manirahan sa Germany gamit ang aking visa? Saan ako makakahanap ng tulong kung ako ay may problema sa pamilya? Saan ako maaaring mag-aral ng German? Saan ako makakahanap ng matitirhan? Maaari ba akong magtrabaho sa Germany? Saan ako makakahanap ng trabaho? Ano ang maaari kong gawin kung may problema akong pinansiyal? Ano ang gagawin ko kung ako ay may sakit? Sino ang makatutulong sa akin kung ako ay manganganak? Paano ako makakakuha ng lisensiya sa pagmamaneho (Führerschein)? Anong ticket sa tren ang kailangan ko? Paano ko mapapaayos ang pagkakakilanlan ng aking mga sertipiko sa pag-aaral (Zeugnisse)? Higit sa lahat, ang JMD ay makatutulong din sa oriyentasyon sa paaralan at sa sistema ng edukasyon sa Germany.
Ako ay nasa Germany. Paaano ako makakahanap ng isang konsultasyon?
Ikaw ay nasa Germany na at naghahanap ng mapagkukunsultahan? Sa bahaging Mga Mahahalagang Address (Wichtige Adressen) matatagpuan mo ang mga tanggapan (MBE o JMD) na malapit sa iyo. Ang mga resulta na naglalaman ng mga impormasyon tulad ng address o numero ng telepono ay makikita mo sa isang card.
Ako ay kasalukuyan pang nasa aking bansa. Mayroon din bang konsultasyon para sa akin?
Wala ka pa sa Germany ngunit naghahanap ka na ng contact sa isang konsultasyon? May konsultasyon para sa imigrante sa internet. I-klick mo ang link na Ang Online na Konsultasyon (Online-Beratung). Doon ay makakakuha ka ng mga karagdagang impormasyon.